CHAPTER 17

3 0 0
                                    

Hindi ko din alam kung anong nangyayari sakin.


Siguro ayoko lang ng kinukulit ako. Yung tipong obligasyon ko magreply para hindi sya magtampo.

Dumating yung araw na nawalan ako ng gana makipag-usap sa kanya.



"May teacher na, maya na kita chat" huli kong chat sa kanya.


Minute ko yung conversation namin sa messenger para hindi ako maistorbo, dahil malapit na exam namin.


"Nakauwi ka na ba?"

"San ka na?"

"Bakit hindi ka nagrereply? Lowbatt ka ba?"

"Magreply ka naman oh, nag-aalala na ko sayo"

"Huy, Liliana"

Yan yung mga nabasa kong chat nya.

Nagchat din yung ibang kaibigan nya kung bakit di daw ako nagrereply kay Tristan.

Hindi ko na muna pinansin at tinapos na yung ginagawa ko.


Natapos na ko tsaka humiga sa kwarto. Nag-iisip ako kung anong gagawin ko.


Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba to o ititigil ko na.


Mas tumitimbang sakin yung itigil na dahil gusto kong mapag-isa lang. Yung okay lang kahit wala akong boyfriend kasi okay na ako sa mga kaibigan ko sa paligid.


Hindi sa iniisip ko lang yung sarili ko, pero iniisip ko din sya na baka habang tumatagal pa, lumalim pa yung nararamdaman nya ay mas lalo lang siya masaktan



Kaya naisip ko na itigil na.


Na tama na.


Kaya naman chinat ko na sya.




Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now