Madami kaming laging pinagkekwentuhan about sa boyfriend ko, sa babae nya, sa pamilya nya o kung saan saan pa. Kada buwan sya umuuwi para mailabas lahat ng problema nya at may mapagkwentuhan sya at makasama nya mga kaibigan nya.
One time nagkwento sya tungkol sa family nya.
Tinawagan nya ako at naririnig ko na umiiyak sya
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" tanong ko.
"Nag aaway nanaman kasi nanay at tatay ko. Naririndi na ko, siguro nag aaway nanaman sila dahil sakin."
"Wag mo sisihin sarili mo, baka may di lang sila napagkaintindihan." sabi ko
Nagkwento pa sya ng nagkwento hanggang sa makatulog na sya kakaiyak.
Hindi ko alam kung pano gagaan loob nya dahil wala naman sya dito, kaya mas minamabuting nakikinig ako sa bawat rants nya para naman gumaan kahit papaano mga problema nya.
(Fast forward)
Nagbreak na kami ng boyfriend ko non, gustong gusto nya ko kausapin para makapagpaliwanag sya. Kinausap ko na lang si Tristan.
"Ano gagawin ko? Punta nga ako dyan" sabi ko.
"Sige go. Ingat ka" sagot nya.
Pagpunta ko don, binigyan nya ko ng inumin at kwinentuhan ko sya tungkol sa pangyayari.
Biglang nagchat sakin yung ex ko, tinatanong kung nasan ako.
"Nakina tristan ako, kung gusto mo makipag usap pumunta ka na lang dito" sabi ko sa kanya.
Maya maya pumasok na sya at hinila ako para makapag usap kame.