After 1 month
"Liliana, tara dito kina Haze. Sunduin kita" pagchat ni Lucas
"Sige bihis lang ako" sagot ko.
Isa si Haze sa mga kaibigan nina Tristan at Lucas.
Pagkasundo sakin ni Lucas, akala ko andon si Tristan, pero wala.
"Pauwi pa lang si Tristan, susunod yon dito" biglaang sabi ni Lucas.
Tumango na lang ako habang umiinom ulit kami ng beer.
Nagcecellphone lang ako ng biglang pumasok si Tristan at naaninag ko na tumingin sya sakin. Hindi ko sya binigyan pansin at tuloy tuloy pa ding nagcecellphone.
Pagkalipas ng mga 30 minutes
"Liliana" pagtawag sakin ni Tristan.
Di ko sya pinapansin at pinagpatuloy na manood sa TV kahit tawag sya ng tawag sakin.
"Ayaw naman ako pansinin tol e" pagsumbong nya kay Lucas.
Hinila ko sya palabas at umupo sa semento, tumabi naman sya sakin.
"Ano ba yon?" tanong ko
"Ano bang problema mo? Ayaw mo ba sakin?" tanong nya din.
Nag isip ako ng pwede ko idahilan para matigil na sya kakausap.
"Baka nga, baka nga mahal ko pa yung ex ko kaya di kita mapagbigyan" -pagsisinungaling ko
"*@#*#@!" pagmumura nya ng malakas tsaka umiyak.
Sinubukan ko sya hawakan pero tinaboy nya yung kamay ko at tinulak ako. Niyaya ko sya pumasok sa loob pero nagmatigas sya.
"Lucas, papasukin mo na kaibigan mo" - utos ko kay Lucas
Pagkapasok nya bigla nya kong sinigawan sa harap ng mga kaibigan nya.
"Ayoko ng makita pagmumukha mo ha! Nakakagigil ka, wag na wag kang lalapit sakin!" pagsigaw nya.
Tumungo na lang ako at sinabi ng mga kaibigan nya na ihatid na si Tristan pauwi sa bahay nila.
Pagkauwi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung ichachat ko ba sya para magsorry oh ano.
Nagulat ako nung sya yung unang magchat.
Sobrang haba ng sinabi nya at alam kong kalmado na sya.
Nakapaloob sa message nya na tatapusin nya na lahat. Lahat ng connection namin sa isa't isa. Na hindi nya na ko guguluhin pa at for the last time cinomfort nya pa din ako. Nagsorry din sya sa mga sinasabi nya sakin pag nagagalit sya.
Iyak ako ng iyak habang binabasa ko pa din yung message nya.
"Sorry to my girl best friend. I hate you yet I love you. Thank you for everything. Mamimiss kita. Take care :)"
Yan na yung huli naming pag uusap.
Naramdaman ko na parang may kulang sakin pagkalipas ng ilang araw.
Alam ko sa sarili ko na namimiss ko sya. Pero anong magagawa ko? Ako yung nagtaboy sa kanya. Ako yung may kasalanan.
Bigla kong naisip na
I should be careful about my decisions that I have to made at nagsisi ako na ni tinake namin yung risk pareho towards our strong friendship over love.
And that was our biggest mistake.
END