Nakita ko na may kausap na syang babae, Amethyst yung pangalan. Tinignan ko yung mukha, okay lang naman. Hindi ko pinansin.
Nakikita ko din sa social media accounts nya like twitter na nagtitweet sya about dun sa girl.
Hindi ko na pinakielamanan at hindi na ako nagchat sa kanya para makibalita sa kanya.
(Fast Forward)
After 3 months..
Nagiiscroll lang ako sa cellphone ng kaibigan nya na si Lucas ng biglang nag chat sya sa gc nila.
"Mga tol, uuwi ako bukas. Set tayo sa bahay" pagchat nya.
Sumang-ayon naman sila lahat at biglang tumingin sakin si Lucas.
"Sama ka ha." sabi nya sakin
"Sige lang basta libre nyo hahaha" pagsagot ko.
"Oo, manlilibre yun si Tristan pag kasama ka HAHAHA joke" pang aasar nya.
Binatukan ko na lang siya at umuwi na samin.
(Kinabukasan)
Malapit na mag-uwian at narinig ko si Lucas at Jace na kaibigan ni Tristan na nag uusap.
"Tol nasa baba na daw si Tristan" - Lucas
"Sige, sabihin mo pababa na tayo" - Jace
"Liliana! Tara na" pagyaya sakin ni Lucas.
Habang pababa kami naka cling yung braso ko kay Lucas.
Pagkababa namin, nagulat si Tristan na makita ako.
"Kamusta ka na? Sama ka ba?" tanong nya sakin
"Oo, pwede ba?" pagtanong ko din.
"Oo naman ikaw pa? Sunod na lang daw sina Haze, pauwi pa lang sila e" sabi nya samin.
Sabay sabay na kami pumunta sa kanila at sinumulan namin mag inom ng beer.
Pagkatapos ng 2 oras.
Pare-pareho na kaming may tama at biglang bumaba yung mga kaibigan ni Tristan kaya naiwan kaming dalawa.
"Usap tayo" sabi nya sakin.
"Go lang" sagot ko.
"Kamusta ka na? Namamayat ka ah" pagsabi nya ng totoo
"Kumakain naman ako ah hahaha ikaw kamusta? May jowa?" pagdiretso ko.
"Wala may nangungulit lang hahaha nagseselos nga sayo yon kasi ikaw lagi kinukwento ko" pagdedeny nya
"Bat naman sya magseselos hahaha bat mo pa ko pinakilala" inis kong sabi
"Galit ka ba?" tanong nya
Hindi ko sya sinagot at bigla ko na lang nasabi na
"Namiss kita" pag amin ko
"Namiss din kita, halika nga dito, payakap ako" pag utos nya sakin.
Simula nung araw na yon, bumalik kami sa dati. Alam ko na meron pa din syang nararamdaman sakin dahil nagiging sweet pa din sya.
Nagpatuloy lang kami sa ganoong routine pero may sakit na yata talaga ako.
Sakit ko na yata yung paasahin yung tao.
Hindi ko alam anong problema ko at nadadamay yung taong mahal na mahal ako.
Pinatigil ko ulit sya.
Sa dahilan na nawalan nanaman ako ng gana. Wala naman akong ibang ineenteratin na lalaki bukod sa kanya.
Pero bakit ganon?
Galit na galit din ako sa sarili ko. Na nasasaktan ko yung taong nagpaparamdaman na worth it ako.
Hindi nagalit sakin yung mga kaibigan at sinabi iniintindi nila ako. Laking pasasalamat ko din sa kanila para hindi ko sisihin sarili ko.
"Lagi na lang lasing si Tristan, Liliana" - pag amin sakin ni Lucas. Siya yung pinakaclose ni Tristan sa magkakaibigan.
"Anong sinasabi sayo?" pagtanong ko.
"Kung ano daw ba kulang sa kanya. Sinisisi nya yung sarili nya. Mag usap kaya kayo?" suggest nya.
"Sige pag kaya ko na. Set kayo, sabihan nyo ko" pagtapos ko ng usapan.