Tristan and I known each other for almost 6 years. Pareho kami ng school na pinapasukan. Grade 7 till Grade 10 kami magkasama sa iisang room, pero naging sobrang close lang kami last last year. Lagi kaming magkakasamang barkada at sya yung pinakaclose ko sa kanila.
"Tara na, kain muna tayo" sabi nya sa mga kaibigan nya at tuluyan ng umalis.
Magkakahiwalay kaming grupo at puro lalaki sila samantalang puro babae naman kasama ko. Hindi kami masyadong nagpapansinan, pero pag may mga tanong siya ay sinasagot ko naman.
Naging close ko siya nung naging boyfriend ko yung kaibigan nya. Sya pa yung nagpakilala sakin para maging close kami. Madami syang naging advice sakin, simula nung lagi nya akong nakikitang parang laging may problema.
"Para kayong switch, on and off"
sabi nya sakin nung nalaman nya nanamang break kami.
Lagi ko siyang chinachat kapag may problema ako about sa boyfriend ko at lagi nya kong cinocomfort at kilala nya ko masyado kapag alam nyang may pinagdadaanan ako.