CHAPTER 14

3 0 0
                                    

"Wala naman akong nararamdaman sa kanya eh, hanggang kaibigan lang talaga" pag amin ko



"Natatakot ka din noh? Kaibigan kasi sya ng ex mo eh" sabi naman ni Jade



"Oo bukod pa don, ayoko masira yung friendship namin para lang sa nararamdaman nya, kaso ayaw ko din sya masaktan" sabi ko.




"Ang close nyo kasi masyado kaya ayan nafall tuloy yon" pagsabi ni Sabrina




"Bigyan mo ng chance, malinis naman siguro intensyon non sayo, kilala mo na yon e" pangungulit ni Jade.



"Chat mo na." sabi naman ni Sabrina



Nangulit sila ng nangulit kaya chinat ko na si Tristan.

"Kamusta kana?" panimula ko.


"Okay naman ikaw ba? Ano ginagawa mo?" pagtanong nya


"Kasama ko sina Sabrina at Jade nagpapahangin lang tsaka nag iinom" sagot ko.



"Gabi na ah, pinayagan ka ba?" pag aalala nya.



"Oo naman"



"Miss na kita, send ka nga picture mo" sabi nya sakin.


Ako naman tong nagpicture at sinabi na sa kanya ang gusto kong sabihin.


"Mahal mo ba ko? " paninugurado ko



"Sobra. Alam mo ba? Sobrang deserve mong mahalin kaya wag mong isipin yung sinasabi ng iba sayo" sabi nya



"Sige bibigyan kitang chance iprove yang pagmamahal na sinasabi mo" pagsabi ko na.



Hindi ko alam kung tama ba tong naging desisyon ko at hinayaan syang manligaw sakin.



Magiging maayos ba lahat? O mas kokomplikado lang?

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now