CHAPTER 12

6 0 0
                                    

"Hindi yun sa ganon Liliana, siguro dahil nakilala kita at nakita ko yung personalities mo" pangungulit nya



"Bakit ako? Eh alam mo naman tawag nila sakin diba? Sinabi ko na lahat sayo ng problema ko pero bakit ako pa din?" malapit na ko umiyak.




"Ayun nga eh! Sinabi mo sakin lahat ng problema pero still gusto pa din kita. Ano namang magagawa ko don?" at bigla syang naluha.



"Tristan magkaibigan tayo. Madami lang babae dyan na makikilala mo, di mo deserve yung katulad ko" pag iyak ko na.




Bigla syang lumapit sakin at niyakap ako pero tinaboy ko sya ng tinaboy.




"Isipin mo muna yang nararamdaman mo, baka naguguluhan ka lang kasi lagi tayo magkasama" sabi ko.




"Wala kang alam sa nararamdaman ko" sabay higa nya.




"Kaibigan ka ng ex ko, ano na lang sasabihin ng mga tropa mo sakin? Ng ibang tao?" pagtanong ko




"Anong pake ko sa kanila? Chachat ko sa gc namin na umamin ako sayo"




Sinilip ko sa gc nila na may chinat nga sya at nakalagay..



"May gusto na ako kay Liliana"



Iyak langako ng iyak sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro kasi alam ko na mawawala pagkakaibigan namin dahil magiging awkward na.



Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya at nag presintabg umuwi na lang muna.



Iniwan ko sya don at chinat ang isa pang kaibigan ni Tristan na si Lucas.



"Puntahan mo nga tong kaibigan mo dito sa bahay nila. Samahan mo muna" pagchat ko sa kanya.


Sumang-ayon naman sya at hinintay ko na lang muna sya sa baba at saka ako umalis.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now