Pagkalipas ng dalawang buwan, malapit na magbakasyon
"Ano wala ka bang balak magchat? Naka online ka pero di mo man lang naisipan na ichat ako" sabi ko kay Aiden
"Madami akong ginagawa e, may dalawang thesis pa ako" sagot nya.
"Dalawang thesis eh nakapag-defense na kayo. Pinagloloko mo ba ko?" galit na chat ko sa kanya
"Edi ikaw gumawa lahat ng requirements ko, ang kitid ng utak eh" pagsagot nya sakin
Sa hindi inaasahang pagkakataon, tuloy tuloy kaming nag-away hanggang nakipagbreak nanaman siya sakin.
"Alam mo? Sinayang ko lang yung taong worth it and deserve ko. Nakakapangsisi, dapat pala di na kita binalikan" pag-amin ko sa kanya
"Bahala ka, sabihan mo lahat ng gusto mong sabihin" kalma na sagot nya
"Buti na lang aalis ka na, di ko na makikita pagmumukha mo, wag ka ng babalik ha" galit na sabi ko.
Dumiretso ako sa pagchachat kay Tristan at sinabi lahat ng pinagsisihan ko. Laking pasasalamat ko sa kanya para makinig sa mga sinasabi ko.
"Sabi ko naman kasi sayo eh. Tigas kasi ng ulo mo" pag-saway nya sakin.
Tumawag lang ako sa kanya at iyak ng iyak habang nagkekwento.
Iniisip ko na siguro rinding rindi na sya sa kashungaan ko sa buhay.
"Uwi ako dyan bukas. Pumunta ka" huling sabi nya sakin.