CHAPTER 4

7 0 0
                                    

"Tumayo ka nga dyan. Wala ka ng ginawa kundi humilata. Gumawa ka naman ng gawaing bahay!" Sigaw sakin ng lola ko.

Tamad na tamad akong bumangon at hinawakan na lang cellphone na parang wala akong narinig na sigaw.

"Wala ka bang naririnig ha? Tanda tanda mo na ang tamad mo pa din" sigaw pa din ng lola ko sakin.

Nainis na ko kaya sinipa ko yung upuan sa harapan ko, sabay hataw nya sakin.

Naisipan ko ichat si Tristan at sinabing pupunta ko sa kanila.

"Patambay nga dyan, nababadtrip ako dito sa bahay." sabi ko.

"Sige, punta ka lang bukas naman yung pintuan. Antayin kita" sagot nya sakin.

Nagpaalam naman ako kay mommy na aalis ako dahil baka masigawan ko lang lola ko kaya pumayag naman siya.

Binilisan ko papunta sa kanila at nakahinga ng maluwag ng makapasok ako sa bahay nila.

"Bakit? May problema ka ba?" tanong nya agad sakin.

"Wala naiirita lang ako sa bahay" sabi ko.

"Hayaan mo na. Kumain ka na ba? May pagkain dyan, kumuha ka na lang" sabi nya.

Nagpalipas lang ako ng inis don at nakatulog pa sabay umuwi na ko.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now