CHAPTER 7

8 0 0
                                    

Kinabukasan


Niyaya ako ni Tristan na manood ng laro nila pero hindi ako nakapunta dahil umalis kaming magkakaibigan.



Biglang nagchat sakin si Aiden


"Anong ginawa nyo ni Tristan? Diba nagstay ka pa don? Mag uusap kayo ng isang oras? Sinungaling ka talaga e noh" biglaang sabi nya sakin.



"Anong pinagsasabi mo? Eh totoo naman na nag usap lang kami. Ang dumi ng utak mo ah, ayusin mo ugali mo." sabi ko.


"Napakasinungaling mo, naturingang kaibigan ko pa talaga. Magsama kayong dalawa" galit na sabi nya.



"Paniwalaan mo kung anong gusto mo. Baliw ka na" pagtapos ko sa usapan.



Hindi ko na sya nireplayan at hinayaan syang mag isip ng kung ano saming dalawa ni Tristan dahil hindi naman totoo talaga.



Sinend ko kay Tristan yung screenshot ng convo naman ni Aiden at bigla syang tumawag sakin



"May tama na ata sa utak yang ex mo, pinagsasabi nyan?" bungad nya sakin



"HAHAHAH hindi ko din alam kung anong problema nyan. Hayaan mo na lang" sabi ko sa kanya



"Makausap nga bukas" sagot nya



"Bahala kayo, basta alam natin kung ano yung totoo" tsaka ko binaba.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now