Hindi pa kami nagpapansinan ni Tristan. Eto yung mahirap e, bigla bigla na lang mawawala yung nakasanayan mo na.
Okay na sana kung magkaibigan lang talaga yung tingin naman sa isa't isa pero hindi ko alam nahulog na pala yung isa.
Ang hirap magdesisyon kasi ayaw mo din sa mawala, pero alam mong mahirap din kapag umasa sya.
Ang gulo sa part ko na mahal ko sya bilang kaibigan tapos sya mahal pala ako ng may hihigit pa.
Hindi ko napansin na unti unti na pala syang nahuhulog, pero anong magagawa ko? hindi ko nga pala hawak yung nararamdaman nya.
Yung dating pinagsasabihan at pinaglalabasan ko ng problema, sya naman ngayon yung may cause ng problema.
Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Isa sa pinaka ka-close ko ay si Jade. Kaya naman chinat ko sya kahit 10 na ng gabi.
"Punta ako dyan, may sasabihin ako importante lang" sabi ko sa kanya.
"Sige lang, magyaya ka sa iba nating kaibigan kung gusto mo tas dito na kayo matulog" sagot nya
Naisipan kong isama si Sabrina. Pumayag naman sya at niyaya nya akong uminom kahit konti.
Pagdating namin kina Jade, nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano ano habang kumakain.
Pagkatapos non, nagyaya na si Sabrina na uminom kami.
Habang nag iinom kami, tsaka ko na sinabi yung problema ko at nanghihingi ng advice sa kanila.
"What if bigyan mo kaya sya ng chance?" suggest sakin ni Sabrina.