Hindi ako sanay na sobrang sweet nya sakin. Na bawat minuto chat siya ng chat para tanungin na kung ano ano.
Hindi naman sa ayaw ko, kaso nakakapanibago. Sobrang awkward sa part ko, pero tama ba lahat to?
Ano pang magagawa ko eh nandyan na.
Natutuwa din naman ako kahit papano dahil nalaman ko na hindi naman galit yung mga kaibigan nya sakin at yung ex ko.
"Wala naman sila sinabi, suportado pa nga ako e" pagmamayabang nya.
"Ako nga di ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko, saka na lang" pagsabi ko.
Tuwing umuuwi sya dito sa Manila, pinupuntahan nya ko samin at kakain lang sa Mcdo at lagi nya akong nililibre.
Ang effort nya at pinapakita nya kung gano nya ko kamahal. Kapag di ako nakakapag online, hinahanap nya agad ako sa mga kaibigan nya na kasama ko.
Lagi sya nag uupdate at ganon din ako kahit minsan tamad na tamad ako magtype.
Iniintindi nya ko kapag nagbabago mood ko, kapag nagsusungit o nag iinarte ako.
Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung deserve ko ba tong tao na to na grabe magmahal.
Kaya ko bang saktan to?
Would I risk our friendship over love?
Or should we stay being friends na lang?
Ito yung pinakamahirap na tanong na hindi ko masagot sagot.