Biglaang nagsorry sakin si Aiden habang kausap ko si Tristan sa chat
"Sorry Liliana, nadala lang naman ako kasi nakakapang selos. Sorry talaga, wala na nga pala akong karapatan sayo" sabi nya sakin
Sinend ko kay Tristan yung sinabi nyang yon.
"Wag mo na replayan, hayaan mo sya" payo nya sakin.
Hindi ko na nga talaga nireplayan at mas nagfocus na lang ako sa paggawa ng requirements ko sa school.
Habang nagsesearch ako sa google, may nag-add sakin na lalaki.
*Jared Reyes sent you a friend request*
Tinignan ko yung profile at parang familiar naman yung mukha at may mutual friends kami kaya inaccept ko na lang kasi wala namang mawawala.
Pero bigla na lang sya nagchat na parang ang close namin agad.
Nakisabay ako sa mga kinekwento nya sakin at tuwang tuwa ako kausap sya.
Hindi ko sinabi kay Tristan to dahil anong pake nya sa mga nakakachat ko, saka ko na lang ikekwento.
Tuloy tuloy lang kaming nag-uusap hanggang sa naging sweet sya sakin.
Hindi ko alam kung sasabihin ko kay Tristan para may masabihan ako.
Binigyan ko ng chance si Jared na iexpress yung feelings na gusto nya towards sakin and nakikita ko namang walang mali don.
Hanggang sa sinabi ko na kay Tristan lahat.
"Titignan ko yung profile kung pasado na hahahaha" sabi nya sakin
Pagkatapos nya tignan, alam ko na ayaw nya agad dahil ako din naman natatakot na isa syang atheist.
"Tigilan mona yan, mamaya mahawaan ka pa nyan" sabi ni Tristan sakin
"Pero mabait naman sya" pagsagot ko.
"Depende sayo kung anong gusto mo, basta nagsabi na ko sayo" pagtatapos nya ng usapan.