CHAPTER 18

3 0 0
                                    

"Alam mo nawawalan na ko ng gana. Di ko alam kung bakit pero tamad na tamad ako magtype. Wag ka mag-alala wala ka namang kasalanan" pag amin ko sa kanya.



"Ah ganun ba? Dapat sinabi mo man lang hahaha hihintayin ko pa din naman reply mo eh" paglaban nya


"Hindi tristan. Wag mo na antayin. Wag mo muna ako ichat. Gusto ko kasing magfocus muna sa pag aaral ko para maging honor ulit ako, pero di naman kita kakalimutan" pagdadahilan ko sa kanya.


"Ha? Nakakaistorbo ba ko? Sige mas mabuti na malaman na magfofocus ka na ulit sa pag-aaral mo. Basta tandaan mo na nandito lang ako for you ha? Mag aantay ako kahit 1 taon pa yan." pagtapos nya sa usapan.




Yun na yung huli naming usap. Nakafollow pa din naman ako sa mga scoial media nya kaya may alam ako sa kanya.



Parang gumaan yung loob ko nung nawala kami ng connection kahit papano. Pero alam ko sa sarili ko na namimiss ko sya.


Pinaalalahanan ko din sya non na okay lang kung may magustuhan syang iba, kasi deserve nya naman yon.


Tuloy tuloy lang ako sa pag-aaral at wala akong nababalitaan tungkol sa kanya, kahit lagi ko kasama yung mga kaibigan nya.


Pero nung nabuksan ko yung gc nilang magkakaibigan gamit yung cellphone ng isa nyang kaibigan, hindi na ako nagulat.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now