Yes I gave him a chance. I had risk our friendship over love. Pero ano nga ba mangyayari?
"Goodmorning! Bangon ka na. May pasok ka pa"
"Kumain ka na ba?"
"Ano oras uwi mo?"
"May gala ka? Sino mga kasama mo?"
"Ingat ka ha. Chat ka pag nakauwi ka na"
Tipong puro ganyan yung chat nya sakin, hindi ko alam kung kikiligin ako o wala lang kasi sa totoo naman wala pa din akong nararamdaman.
Hirap para sa part nya na gustong gusto nyang maging kami, na nagpupursigi sya para maging girlfriend nya ko.
Pero triny ko pa din.
Triny ko maging masaya sa kanya. Triny ko din na ichat sya ng ganon. Triny ko din na mahalin sya.
For about 2 months ganon yung routine namin. Away-bati ba, dahil sa ugali ko.
Umuuwi din sya dito para bisitahin ako.
"Nagsasayang ka lang ng pamasahe, tsaka baka mapagalitan ka ng parents mo" paalala ko sa kanya.
"Wala naman akong pake eh, sanay na ko sa kanila. Kaya nga gusto ko palagi umalis at uminom" sagot nya.
Sumaya naman ako kahit papano kaso parang may kulang.
Dumating yung araw na tamad na tamad ako magtype at magreply.
Siguro nasanay ako na wala ng nag-aalala sakin sa loob ng isang taon pagtapos namin magbreak ng ex ko na si Aiden.
Baka natatakot ako na masaktan ulit.
At higit sa lahat, baka nawawalan na ko ng gana..