Lumipas ang ilang buwan, biglang nagparamdam nanaman sakin si Aiden.
"Miss na kita" pagchat nya sakin.
Hindi ko sya sinagot hanggang sa mangulit sya ng mangulit sakin.
Samantalang si Jared naman tuloy tuloy pa din sakin nakikipag usap. Hindi ko alan kung anong gagawin ko kaya kay Tristan ako pumunta.
"Ganda mo naman HAHAHAHA" pang aasar nya sakin.
"Bwisit ka. Tulungan mo na lang ako" sagot ko sa kanya.
"Tatanungin kita, mahal mo pa ba si Aiden?" pagtanong nya.
"Oo naman" totoong sagot ko.
"Eh pano si Jared?" tanong nya ulet
"Eh diba sabi mo tigilan ko na? Uunti untiin ko na lang tas sasabihan ko na lang sa kanya yung totoo pag kaya ko na" sabi ko
"Sure ka ba dyan? Pano pag sinaktan ka nanaman ni Aiden? Tanga ka pa naman" diretsuhan nyang sabi.
"Hindi ko alam, bahala na, naguguluhan din ako, makapag-isip muna"
(Fast Forward)
Naging cold na yung pagchachat ko kay Jared, hindi ko na sya masyadong narereplayan hanggang sa
"Nagkabalikan kayo ng ex mo?" tanong niya sakin.
"Huh? Sino nagsabi sayo?" pagtatanong ko din
"Wala may nagsabi lang" huling chat nya sakin.
Nagsorry lang ako ng nagsorry sa kanya pero hindi nya na ko nireplayan. Sobrang guilty ko dahil alam kong nasaktan ko sya.
Kaso ano magagawa ko? Mahal ko pa din pala ex ko, kahit mga kaibigan ko nagagalit na sakin.
Lalo na si Tristan.
"Pag ikaw nasaktan nanaman. Ayoko ng umiiyak ka, sasapakin ko yun" banta nya.
Maayos naman yung naging relasyon namin ni Aiden, parang nagsimula lang ulit kami sa una, ng biglang..