CHAPTER 6

8 0 0
                                    

"Sorry kung hindi ako nakapagpaliwanag sayo, nagdesisyon agad ako. Sorry Liliana" sabi nya sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya nakinig lang ako ng nakinig sa paliwanag nya at pag-oopen ng problema tungkol sa pamilya nya

Habang nasa baba si Tristan, chinachat nya ako.


"Ano na sinasabi sayo ng baliw na yan?" tanong nya sakin.

"Nagkekwento tsaka humihing ng sorry" sagot ko.

"Wag mo na babalikan yan" sabi nya sakin.

Habang nagkekwento si Aiden unti unti na syang umiiyak dahil iniisip nya na magpakamatay na lang siya.

"Alam mong hindi solusyon ang pagpapakamatay" sabi ko sa kanya.

"Eh anong gagawin ko, napakawalang kwenta kong anak, nadadamay ka pa tuloy" sagot nya sakin.

"Madaming umaasa sayo, diba may pangarap ka pa? Pagtatapusin mo din ng pag aaral mga kapatid mo" sabi ko sa kanya.

Iyak lang siya ng iyak kaya ako din nahahawa sa pag-iyak nya.

Chinat ko na si tristan na pauwiin na si aiden.

Tinawag ni tristan ang isa nilang kaibigan na si lucas para ihatid ito sa bahay nila.

Sumama ako sa paghatid at sumunod din si Tristan samin.

Nag usap usap lang sila at bigla akong hinila ni Tristan palayo at sinabing bumalik kami sa bahay nila.

Iyak pa din ako ng iyak at sinabi ko kay Tristan yung mga problemang kinikimkim ko sa loob ko.

Nakayakap lang ako kay Tristan magdamag at binigyan nya ako bigla ng bracelet hanggang sa tumigil ako sa pag iyak at hinatid ako pauwi.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now