CHAPTER 3

14 0 0
                                    

Minsanan na lang kami mag-usap at hindi pa sya umuuwi dito sa Manila.

Bigla na lang syang nagchat isang beses

"Penge nga ako idea kung anong gagawin ko para magbati kami ni Jade"
sabi nya sakin.

"Isurprise mo na lang. Umuwi ka dito tas may pa keme na sorry" suggest ko.

"Sige gawan ko na lang ng may pa pictures tas sabit ko" pag sang-ayon nya naman.

Umuwi nga talaga siya at pinakita nya sakin yung picture na ginawa nya.

Kwinento nya naman na naging maayos sila pagkatapos non.

Pero isang araw, bigla na lang sya nagchat

"Punta ka dito" sabi nya sakin.

"Bakit? May problema ka?" tanong ko.

"Oo. Samahan mo ko kahit sandali lang"

Dali dali akong pumunta papunta sa bahay nila at nakita ko syang may inumin sa table nya at halatang may tama na.

"Ano ba naging resulta?" tanong ko.

"Maayos naman na eh, kaso kinagabihan bigla na syang nakipagbreak" kwento nya sakin.

"Bakit? Ano daw dahilan?"

"Di ko din alam. Sabi nya lang nahuli nya daw ako, pero wala naman akong ginagawa" sabi nya

"Panong nahuli? Baka naman may kausap kang iba?" pangungulit ko sa kanya.

"Sya at ikaw lang naman kausap ko na babae eh"

"Kausapin mo na lang muna ng maayos. Puntahan mo sa kanila".

"Sige, salamat"

"Balitaan mo na lang ako" sabi ko tsaka ako umuwi.

Friendship Over LoveWhere stories live. Discover now