PROLOGUE

9.6K 140 1
                                    

Lucsian Turner, a man who owns everything. Kumbaga nasa kan'ya na lahat,  "yaman", "kumpletong pamilya", "negosyo", "kaibigan" lahat na.

But the thing is, he doesn't believe in a happy ending. A twenty-five years old man and a bachelor.

He doesn't believe in true love.

Minsan na siyang nagmahal, pero laging nasasawi. Pero ang pananaw niyang 'yon eh mababago kaya kapag nakilala niya si Keshelle Rothsyl?

They both believed that happy ending doesn't exist.

But they meet accidentally...

Dahil sa pagiging bachelor ni Lucsian, nakaugalian na niyang nagpupunta sa mga bar. Minsan kapag may natitipuhan siyang babae, agad niya itong binibigyan at nililibre ng alak. Sa kalagitnaan ng pag-iinom niya, a girl caught his attention.

Para itong wala sa sarili na nilalagok ang mga matatapang na inumin. Kahit mahilig sa magagandang babae si Lucsian alam niya pa rin ang salitang respeto kaya para siyang sinilaban ng apoy habang tinitignan ang babaeng umiinom at pinapalibutan ng mga lalaking nagbibigay ng alak sa babae.

Agad naman niyang nilagok ang huling baso niyang inumin at walang pagdadalawang-isip na nilapitan ang babae. Natigilan naman ang mga lalaki sa paghihiyawan nang biglang kargahin ni Lucsian ang babae.

"Hon you're drunk, uwi na tayo." saad nito.

Tinitigan naman siya ng babae at para itong baliw sa kakangiti, "Hon? Wala akong kilalang hon baka nagkakamali ka lang." sagot nito at sinandal na ang ulo niya sa dibdib ni Lucsian.

"Lasing ka lang kaya 'di mo ako kilala, tara uwi na tayo." sagot ni Lucsian at inayos na sa pagkarga ang babae.

"Ay Sir! Bayaran niyo po muna 'yong mga order niya kanina." tawag naman sa akin ng bartender.

"How much?" sagot nito.

"Twelve thousand Sir, kung ano-ano po kasi ang in-order niya kanina eh." sagot naman ng waiter.

"Wait," sagot nito sabay binaba muna ang babae na halos 'di na makatayo ng maayos at kinuha ang debit card niya.

"Sir wala po ba kayong cash diyan?" sagot ng waiter.

"Sorry pero wala eh, hindi ba 'yan puwede?" tanong nito.

"Sige Sir, okay lang naman po ito." sagot ng waiter at inayos na ang babayaran ni Lucsian.

Napailing na lang si Lucsian, puwede naman pala card naghahanap pa ng cash.

"Bossing, sigurado ka bang jowa mo 'yan?" tanong sa kan'ya ng lalaking katabi ng babae kanina.

"Sa tingin mo babayran ko 'yong ganoon kalaki na halaga kung 'di ko siya girlfriend?" seryosong sagot ni Lucsian.

Natahimik naman ang lalaki at 'di na umimik pa ang mga kasama nito.

"Sir ito na po," saad ng waiter at abot sa receipt at debit card ni Lucsian.

Kinarga niya ulit ang babae at dinala sa loob ng sasakyan niya.

"Hey, saan mo ba ako dadalhin ha?" nakapikit na tanong ng babae.

"Sa langit," nakangising sagot ni Lucsian.

Agad namang dumilat ang babae at umayos ng upo sa sasakyan ni Lucsian.

"Ang guwapo mo pala, kung ikaw din lang ang dadala sa akin sa langit magpapaubaya ako." nakangisi namang sagot ng babae.

"Don't state the obvious darling," sagot naman ni Lucsian.

Napasinghap na lang si Lucsian nang biglang maghubad ng damit ang babae sa harapan niya.

"Ang init!" saad nito sabay punas sa noo nitong namamasa.

Napalunok na lang ng sariling laway si Lucsian,  she's just drunk. Kalma ka lang Lucsian. Ito 'yong salitang laging pumapasok sa isip niya.

Maya-maya pa bigla na lang itong pumikit at sinandal ang ulo sa upuan ng sasakyan. Nakahinga naman ng malalim si Lucsian nang mapagtanto niyang natutulog na ito.

"Saan ba ang bahay ng babaeng 'to," saad ni Lucsian at nag-umpisa ng magmaneho.

Itinakip niya naman ang suot niyang coat sa katawan ng babae, baka kung ano pa ang masabi ng mga taong makakakita sa kanila.

---
Turner's Series 2: Fixing You is heeereee :)
Ano na, continue or delete? Haha!

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon