"Mommy bakit nandito na naman 'yan?" naiinis na tanong ko kay Mommy.
"Hindi ko rin alam anak, baka bumisita lang. Alam mo naman isa siya sa mga stockholder ng resort." sagot ni Mommy sa akin.
"Aubrei, ano na naman ang ginagawa mo rito?" seryosong saad ni Sychea.
"Ikaw talaga ang magtatanong sa akin ng gan'yan Sychea? Ikaw nga sampid lang ng Turner eh, ako investor." sasd nito habang nakataas ang kilay.
"You know that girl?" tanong ni Keshelle habang nakatingin kay Aubrei.
Tumango lang ako rito, dapat sana enjoy kami sa unang araw e. Pero siya pa talaga ang sumalubong sa amin.
"Dahan-dahan ka sa pananalita mo Aubrei, investor ka lang fiance ko si Sychea. And please, nagmumukha ka ng sardinas sa ginagawa mo. Lakas makasiksik!" saad ni Zachaos sabay hawak sa kamag ni Sychea.
"Aubrei please, hayaan mo na kaming ma-enjoy ang family outing namin. Minsan lang 'to, huwag mo naman sirain." pakiusap ni Mommy rito.
"Tita wala naman akong ginagawa eh, ang init lang kasi ng mga ulo nila sa akin." pagrarason pa nito.
Napailing na lang ako at inabot na ang aming mga gamit sa aming nga katiwala doon. Sila na ang maghahatid nito sa aming mga kuwarto.
"Mommy tara na, kain na lang tayo baka ma-stress ka pa riyan." aya ko rito at nauna ng maglakad.
Sumunod na rin sila papuntang buffet area, ang laki ng improvement ng resort simula ng maging hands-on si Zachaos dito. May nakahanda ng long table para sa kakainan namin, talagang naghanda sila sa pagdating namin ah.
Nauna ng kumuha ng makakain sila Mommy at sila Tita. Si Zachaos naman at Sychea ay nasa isang tabi, parehong hindi umiimik.
"Keshelle, punta lang akong banyo ha? Kumain ka lang diyan." paalam ko rito, tumango naman ito kaya dumiretso na ako doon.
Kanina pa talaga ako ihing-ihi, umatras lang nang makita ko si Aubrei. Pinalabas ko na 'ykng dapat ilabas at naghugas na ng kamay. Noong palabas na sana ako may narinig akong nagtatalo sa gilid ng banyo.
"Did you plan this?" saad ng babae na pamilyar sa akin ang boses.
"Why would I? Hindi ako gagawa ng move na alam kong ikaiinis mo. Sy, hindi ko rin alam na pupunta siya." paliwanag ni Zachaos.
Sabi na nga ba, sila talaga ito eh. Dinikit ko na muna ang aking katawan sa may ding-ding ng banyo para marinig ang usapan nila.
"Maybe you told her? Zachaos naman, so you still love her? Akala mo ba 'di ko napapansin na every may family gathering lagi siyang nand'yan ha? Zachaos I'm not blind!" sigaw ni Sychea rito.
"Lovs bakit mo ba 'yan naiisip ha? Nag-propose na ako sa 'yo dahil mahal kita and that's it. Si Aubrei? Wala na, matagal ng wala." pagpapaintindi nito kay Sychea.
Napailing na lang ako habang nakikinig sa pagtatalo nila. Ito na nga ba 'yong sinasabi ko eh. Nagpanggap na lang ako na hindi sila narinig at dumiretso na sa inuupuan namin kanina.
"Si Kesh?" tanong ko kay Odessa nang hindi ko nakita si Keshelle sa inuupuan niya.
"Nag-banyo rin, kumain ka na Kuya." saad sa akin ni Odessa.
"Sige, kain ka lang..." sagot ko rito at naupo na.
"Anak okay ka lang?" biglang tanong sa akin ni Tita.
"Yes naman po, bakit po?" positibong sagot ko rito.
"Good then, sana okay din sila Sy at Zachaos ngayon." sagot nito sabay subo ng kanin.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?