Chapter 14

2.1K 56 0
                                    

Keshelle's POV

Naalala ko tuloy 'yong nangyari kanina, actually sinundan ko si Aubrei. Sobrang mali kasi ng ginawa niya, kailangan yata masampulan para matauhan.

Lumingon muna ako sa aking paligid at tinignan kung may tao ba, nang masigurado kong wala agad ko namang sinipa ang pinto ng silid ni Aubrei. Napangisi na lang ako nang agad itong mabuksan.

Tinaasan ko ng kilay ang gulat na gulat na mukha ni Aubrei dahil sa aking ginawa. Agad ko namang sinarado ang pinto sabay titig ng seryoso kay Aubrei.

"Who the hell are you?" galit na galit na tanong nito.

"Who the hell are you too para sirain ang masayang relasyon nila Sychea at Zachaos?" balik ko ng tanong sa kan'ya.

"Oh, I remember now... Ikaw nga pala 'yong kasama ni Lucsian." tumatangong saad nito.

"Yes, I am Lucsian's friend. I've heard ikaw daw 'yong desperadang ex ni Zachaos?" diretsong saad ko rito.

Namula sa galit ang pisngi nito, napasin ko namang nakakuyom ang kamao nito.

"Galit ka ba ba? Masarap ba sa pakiramdam na ipagmukha sa 'yo kung gaano ka kawalang class at walang respeto sa sarili?" saad ko sabay upo sa couch na nasa kuwarto niya.

"Ano bang kailangan mo sa akin huh? Pumunta ka lang ba rito para insultuhin ako, kasi kung oo puwede ka na umalis!" bulyaw nito sa akin.

"Galit ka na agad, nagsisimula pa nga lang ako." saad ko rito sabay ngiti ng pagkatamis.

"Huwag mo akong ginagalit Miss, baka magsisi ka kapag nagalit ako." banta nito sa akin.

"Oh really? Wow naman, takot ako." panunudyo ko rito.

"Lumabas ka na nga sa kuwarto ko! Or else tatawag ako sa security para ipakaladkad ka." pananakot nito sa akin.

"Go, I won't stop you!" lakas loob na saad ko rito.

Akmang susugurin niya na sana ako nang agad kong sipain ang tiyan nito, dahilan para matumba siya sa sahig. Napaubo ito, napalakas yata 'yong sipa ko.

"Sorry, masama rin akong galitin." saad ko sabay nagde-kuwatro.

Napangisi naman ako nang makita ko sa mata nito ang takot habang nakatitig sa akin. Gumapang ito at patalikod at tuluyang nabangga sa dulo ng kama. Sinundan ko naman ito at umupo sa harapan niya.

"Titigilan mo na ba sila Sychea at Zachaos o tatapusin na kita ngayon?" banta ko rito habang mahigpit na hinawakan ang baba nito.

"Inutusan ka ba ni Sychea para gawin sa akin 'to?" saad nito habang nakahawak ako sa baba niya.

"No one told me to do this, ako lang mismo. Desisyon ko, ayaw ko kasi sa mga babaeng naninira ng relasyon eh. Lalo na ikaw? Ang tapang mo kanina ah, ngayon mo ilabas 'yong tapang mo!" hamon ko rito.

"I don't even know you, why are you doing this?" naiiyak na saad nito.

"Simple, ayaw ko na maging sagabal ka pa sa buhay ng mga Turner. Ang mas mahalaga, humingi ka ng tawad kay Sychea!" sigaw ko rito.

"Humingi ng tawad kay Sychea? No, I can't!" reklamo nito.

Pabagsak kong binitawan ang baba niya at agad na kinuha ang babasagin na vase. Tinanggal ko ang mga bulaklak na nandoon at tinapon kay Aubrei.

"Ayaw mo 'di ba? Madali akong kausap," saad ko rito sabay hampas ng vase sa dingding ng kuwarto.

Tanging matulis na parte ng vase ang naiwan sa kamay ko dahil nabasag ito. Dinikit ko ito sa leeg niya at dahil sa nagpupumiglas siya eh nadaplisan ang leeg nito.

"No! Please stop... Oo na, gagawin ko na 'yong inuutos mo." umiiyak na saad nito.

"Sige, mabuti na 'yong nagkakalinawan tayo... Huwag mo lang talaga ako subukang gaguhin Aubrei, baka 'di ka na sikatan ng araw." banta ko rito.

"Oo na, hindi ko na guguluhin pa ang mga turner at hihingi na ako ng tawad kay Sychea." saad nito habang nakataas ang dalawang kamay.

Agad ko namang tinanggal ang basag na vase sa pagkakalapat sa leeg niya. Namilog ang mata nito nang mapansin na may bahid ng dugo ang bubog.

"Hindi lang iyan ang aabutin mo kapag hindi ka tumupad sa usapan, lalo na kapag nagsumbong ka." bilin ko rito.

"Wala akong pagsasabihan tungkol dito, hindi rin ako magsusumbong." saad nito habang hawak-hawak ang sugat niya.

"Siguraduhin mo lang," saad ko rito at binagsak na ang vase sa sahig. Tumalsik ang mga bubog nito at tumama sa pisngi ni Aubrei.

Napangiti ako nang makitang dumudugo ang pisngi nito...

"Kulang pa 'yan Aubrei, kaya kitang sugatan... Ibig sabihin noon, kaya rin kitang burahin sa mundong 'to." saad ko rito at lumabas na ng kuwarto niya.

Pagkatapos ko siyang kausapin eh bumalik na ako sa buffet area, kanina pa ako walang kain eh at hindi ko pa mahagilap si  Lucsian kaya naisipan ko na lang kumain. Pagkatapos kumain eh nagpalit lang ako ng damit na panligo at naglakad-lakad, nagbabakasakali na baka makita ko si Lucsian.

Timing at noong papunta ako sa mini-bar ay siya ring labas ni Lucsian, napakalungkot ng mukha nito. Ni hindi niya nga napansin na nandoon ako, pinagmasdan ko lang ito habang naglalakad papuntang dalampasigan na para bang wala sa sarili.

"Hey anong ginawa mo at nakangiti ka riyan?" tawag ni Lucsian sa atensyon ko.

"Wala naman, simple lang... Gusto ko kasi maging sulit bakasyon ko rito kaya naglinis lang ng kalat." sagot ko naman dito.

"Ano kaya ginawa ng babaeng 'to," bulong ni Lucsian sa hangin.

Napangiti na lang ako sabay pikit habang ninanamnam ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

"Mahilig ka ba sa star gazing?" biglang tanong ni Lucsian.

"Nope, but I knew someone..." sagot ko naman dito.

"Who, your ex? Tanong nito.

"Of course not, basta... I don't wanna talk about her, masasaktan lang ako tapos malulungkot." sagot ko sabay pilit na pinapatigil ang luha ko sa pagbagsak.

"Sige, pero Kesh kapag pakiramdam mo malungkot ka sabihin mo lang sa akin huh? I'm willing to listen, remember i'm your friend." paalala nito sa akin.

"Oo naman, ikaw rin. Huwag ka na magpa-apekto sa nangyari kanina. Trust me, evrything will be okay." pagpapalakas ko sa loob nito.

Tumango naman ito sabay ngiti, napapikit na lang ako nang bigla niya ako hilahin at yakapin.

"Thank you," bulong nito.

Hindi ko alam but I found myself smiling...

---

A/N: Sobrang busy ng buhay ko this week kaya late na nakapag-update.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon