Naging mahaba ang biyahe ko, gabing-gabi na nang makarating na ako sa bahay.
"Loves, bukas na lang kita bibisitahin ha? Nasa bahay na ako, marami akong baong kuwento. Good night and see you tomorrow!"
Hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil pagod na pagod ako, binagsa ko na lang ang aking katawan sa aking kama at natulog na.
Kinabukasan, nagising ako nang maramdamang may yumuyugyog sa akin.
"Keshelle! Keshelle, gumising ka."
Nang imulat ko ang aking mata bumungad sa akin ang mukha ni Mommy na sobrang nagaalala.
"Mommy, bakit?" sagot ko at umupo.
"Kanina pa tumutunog ang cellphone mo pero ang lalim yata ng tulog mo at hindi ka talaga nagising. Mabuti na lang at dumaa ako kanina rito, bilisan mo. Pumunta ka na ng hospital! Kanina pa tawag nang tawag ang Tita mo."
Bigla akong kinabahan sa sinabi nito...
"Mommy anong sabi ni Tita?" nagaalalang tanong ko at kumuha lang ng susi ng kotse ko at wallet.
Hindi ito sumagot kaya nagmadali na akong bumaba at dumiretso sa kotse ko, nanginginig ang aking kamay habang nilalagay ang susi sa lalagyan nito. Wala na akong pake kung wala kong ligo at hindi na nagbihis, halos lumuwa na ang dibdib ko sa sobrang kaba.
"God, save her." panalangin ko habang mabilis na nagmaneho.
Halos liparin ko na ang distansya ng bahay papuntang hospital, nasa third floor pa ang silid niya kaya mabilis kong tinahak ang elevator nang makarating na ako sa hospital.
"I'm sorry," saad ko sa babaeng nabangga ko.
Nananalangin ako habang patungo sa silid niya, wala na talagang mapaglagyan ang aking kaba. Hingal na hingal ako nang marating ang third floor, pagod at kaba ang aking nararamdaman.
"Tita..." tawag ko rito na nakaupo sa labas ng silid ng anak niya.
"Keshelle, kanina ka pa hinihintay ni Mau." Umiiyak na saad ni Tita.
"Tita ano pong nangyari?" kinakabahang saad ko.
"Inatake na naman siya ng sakit niya Kesh, puntahan mo muna baka umayos na ang paghinga niya kapag nakita ka niya." saad nito habang hawak-hawak ang aking kamay.
Nagsuot ako ng lab gown at hair net bago tuluyang pumasok sa loob ng silid ni Mau. Napatakip ako sa aking bibig at pinipigilang maluha, may mga aparato na namang nadagdag sa loob ng silid niya. Para na itong ICU kung tignan, lumalala na talag ang sakit niya.
Tumikhim muna ako bago tuluyang pumasok, ayaw ko kasing makita niya akong umiiyak dahil alam ko manghihina rin siya.
"M-maureen, nandito na ako." naiiyak na saad ko rito.
Habol-habol pa rin nito ang kan'yang hininga, minulat niya ang kan'yang mata ng bahagya at ngumiti rin ng bahagya.
"Kesh..." mahinang saad nito.
"Marami akong baong kuwento Mau, magpagaling ka na at ikukuwento ko 'yon lahat sa 'yo." saad ko rito habang nakaupo sa tabi niya at hinahaplos ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?