Lucsian's POV
I am really worried right now, bakit nasa hospital si Keshelle? Agad ko namang tinungo ang binigay niyang address, nang makarating ako roon at sa mismong room number may babaeng nakaupo roon. Pamilyar ito sa akin at para bang nakita ko na siya noon, may naalala ako sa mukha niya hindi ko lang alam kung sino.
"Sino ka?" tanong nito sa akin.
"Magandang umaga po, nand'yan po ba si Keshelle?" sagot ko rito.
"Ah si Keshelle, teka at tatawagin ko." saad nito at pumasok na sa loob ng silid.
Mayamaya pa bumalik na ito, kasunod niya naman si Keshelle na may suot na lab gown at hair net. I checked if she's okay then she told me that she's fine. Pinagsuot niya na ako ng lab gown at hair net para tuluyang makapasok. Nang matapos na ako magsuot, hinila niya ako papasok sa loob.
Then suddenly, my heart stops beating for a while. I saw a very familiar face...
"Maureen?"
"Lucsian?"
I thought I was wrong, pero kilala niya rin ako. Alam kong natigilan si Keshelle pero walang mapaglagyan ang aking tuwa nang makita si Maureen, kahit ang laki ng ipinayat niya kilalang-kilala ko pa rin siya.
Dahan-dahan ko itong nilapitan, hindi makapaniwala na sa loob ng maraming taon mabibigyan ulit ako ng pagkakataon na makita siya."Mau..." naiiyak na saad ko rito habang pinagmamasdan siyang nakaratay sa higaan.
"I'm sorry..." saad nito at tuluyan ng tumulo ang luha.
"Mau, ito ba 'yong rason kaya ka biglang nakipaghiwalay at nawala ng parang bula noon?" tanong ko rito sabay umupo sa tabi niya at hinawakan ang kan'yang kamay.
"Oo, patawarin mo ako kung wala akong lakas ng loob na sabihin sa 'yo 'yong totoo." umiiyak na saad nito.
"T-teka, naguguluhan ako... S-siya ba 'yong tinutukoy mong e-ex mo Lucsian?" naguguluhang tanong ni Keshelle.
"Yes, siya 'yon Kesh. Hindi ko alam at wala akong alam na magkakilala pala kayo." sagot ko rito.
"Mau, why?" tanong nito kay Maureen.
"Look Kesh, hindibko alam... Wala rin akong ideya na siya pala 'yong kinukuwento mo sa akin. Kesh, i'm really sorry." paliwanag ni Maureen dito.
Umiiling lang si Keshelle, para rin akong nasasaktan habang nakatingin kay Keshelle na hindi makapaniwala.
"Ni hindi mo sinabi sa akin noon Mau na nagkarelasyon ka pala. Kung sana sinabi mo, baka naiwasan ko pa... Mau why? Hindi ko alam kung paano mag-re-react, hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar nito." umiiyak ng saad ni Keshelle.
Gusto ko siyang yakapin ngayon at patahanin, pero noong nakita ko si Maureen para akong naguluhan sa aking nararamdaman.
"Kesh i'm sorry, hindi ko akalain na hahantong tayo sa ganito. Tsaka Kesh you don't need to worry, matagal na kaming wala ni Lucsian." paliwanag ni Maureen habang umiiyak na rin.
"No need, as of now I don't need your explanation. Maybe I was really meant to be a bridge to the both of you. Sige na, mag-usap na kayo. Alam ko miss na miss niyo na ang isa't isa. Enjoy!" saad nito at tuluyan ng umalis.
"Keshelle!" sabay naming tawag ni Maureen sa kan'ya.
Ni hindi na ito lumingon pa, bumagsak na ng tuluyan ang aking balikat...
"Bakit mo siya hinayaang umalis?" tanong ni Maureen habang nakatitig sa akin.
"Gusto muna kitang makausap," sagot ko naman dito.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
Storie d'amoreHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?