Chapter 7

2.6K 68 0
                                    

"Kuya Lucsian, bakit ngayon ka lang umuwi?" salubong sa akin ni Sychea.

Magaala-una na ng hating-gabi pero gising pa siya?

"May tinulungan kasi akong kaibigan, teka bakit gising ka pa?" tanong ko rito.

"Kakatapos ko lang kasi tawagan sila Kyen at Ode kung sasama ba sila bukas." sagot nito at inom ng gatas na hawak niya.

"Sasama ba sila?" tanong ko.

"Oo," sagot nito sabay napakunot ang noo habang nakatitig sa aking leeg.

"Why?" takang tanong ko rito.

Ngumiti ito sabay pigil sa taws niya, "Kuya Lucsian anong tulong ba ang ginawa mo at nagka-lipstick pa 'yang leeg at damit mo?" saad nito.

Namilog ang aking mata sa sinabi nito, oo nga pala naghalikan nga pala kami ni Faria kanina.

"A-ah ano, basta..." natatawang sagot ko sabay kamot sa aking ulo.

"Ikaw ha, sige na Kuya maghanda ka na para bukas. Maaga raw tayo bukas eh, tsaka may kaibigan ka bang gusto isama? Isama mo na para mas masaya." nakangiti nitong saad.

"Yes meron, ipapakilala kita sa kan'ya bukas." sagot ko naman dito at nakipagbeso-beso na.

Umakyat na ako sa taas para pumasok sa silid, sinilip ko naman ang kuwarto ni Zachaos at 'yon tulog na. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang pagbukas ko ng aking kuwarto ay may taong nakahiga sa aking kama. Nang buksan ko na ang ilaw, ang walang hiya ko pa lang kapatid ns si Brian.

"Hoy! Bakit dito ka natulog, wala ka bang kuwarto ha?" yugyog ko rito.

"Kuya naman eh, antok na ako tsaka akala ko ba 'di ka uuwi dito." pagmamaktol bi Brian na nakapikit pa rin.

"Paanong 'di ako uuwi eh may lakad tayo bukas! Brian isa, lumipat ka na sa kuwarto mo." utos ko rito, pero wala talaga itong pake.

"Ayaw ko, matulog ka doon kung gusto mo. Kuya naman, matutulog na ako good night." saad nito at nagtalukbong na ng kumot.

"Aba!" saad ko nang bigla niya akong talikuran.

If I know nanlalambing lang 'to, pero mana ito sa akin sa pagiging babaero eh. Ewan ko ba doon kay Zachaos, pero simula pa naman noong mga bata pa kami eh ibang-iba talaga si Zachaos kesa sa amin ni Brian. Makuwela kami samantalang siya nasa isang tabi lang, kaya kahit ako laking pasasalamat ko noong nagkakilala sila ni Sy. Ang laki kasi ng pinagbago niya, para siyang bata na nakalabas ng bahay simula noong maging magkaibigan sila.

Inihanda ko na lang 'yong nga gamit ko na dadalhin ko bukas, I will surely bring my camera. Bukod sa pagiging negosyante ko, mahilig talaga ako sa photography. Naging hobby ko na 'to simula pa lang noon.

Binuksan ko 'yong storage room ng aking kuwarto dahil may mga gamit akong ilalagay doon na hindi ko na gagamitin pa. Pagbukas ko ng ilaw, tumambad sa akin ang lumang painting na pininta ng aking ex. Bigla ko tuloy naalala kung gaano kami kasaya noon, siya lang talaga ang inibig ko ewan ko ba kung bakit niya ako iniwan noong ga-graduate na sana kami ng high school.

Ang dami ko ng plano, kasi akala ko kami na hanggang dulo. Pero hindi ko akalain na bago pala ako rarampa para sa graduation eh hihiwalayan niya na ako. Plano ko pa nga noon na magpi-picture kami para may ma-ikumpara kami kapag naka-graduate na rin kami ng kolehiyo pero wala e, plano lang pala lahat.

Binuksan ko naman 'yong kahom na puno ng love letter na galing sa kan'ya. Halos araw-araw ako may natatanggap mula sa kan'ya noon eh, napaka-perpekto ng pagmamahalan namin noon. Legal na kami both sides, ang hindi ko lang talaga matanggap eh hiniwalayan niya ako dahil may iba na raw siya pero matapos niya akong hiwalayan hindi ko na rin siya nakita. Ni hindi rin siya sumali sa graduation march namin.

Sigurado naman akong hindi ko na siya mahal ngayon, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung bakit naging ganoon kadali niya akong bitawan. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang aking puso nang makita ang paper bag na regalo ko sana sa kan'ya kapag grumaduate na kami. Puno na ito ng alikabok, pero hindi pa rin nabubuksan.

"Kamusta ka na kaya? Naaalala mo pa kaya ako, Maureen."

Napailing na lang ako sa naisip kong 'yon, she's my first love. Halos binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kan'ya pero nauwi lang sa wala. Ibinalik ko na lang sa mga lalagyan ang mga 'yon, at nilagay na ang gamit na idadagdag ko na naman sa storage room.

Nagpagpag na rin ako bago lumabas at naghugas ng kamay. Agad ko namang tinipa ang aking mensahe para kay Keshelle.

"Hey, still up? -Lucsian."

Nagbihis na rin ako at tumabi na lang kay Brian na sobrang himbing na natutulog, maya-maya pa tumunog na naman ang aking cellphone.

"Yes, nakauwi ka na?"

Naisipan ko na lang na tawagan siya, kaya agad ko naman pinindot ang call button. Agad niya naman itong sinagot.

"Hello Kesh, kanina pa ako nakauwi. So sasama ka ba bukas?" tanong ko rito.

"Nakakahiya, okay lang ba sa family mo?" nagaalangang sagot nito.

"Oo naman, sabi nga ni Sychea isama ko raw kaibigan ko eh." sagot ko rito.

"Your girlfriend?" tanong nito.

"No! Fiancee ng kapatid ko," sagot ko naman.

"Oh I thought..." natatawang saad nito.

"No promise, so i'll pick you tomorrrow okay? Isang linggo tayo roon kaya magdala ka ng maraming damit at pang-beach." masayang saad ko rito.

"Fine, thank you Lucsian. Actually you don't need to do this, kaya ko naman eh." biglang saad nito gamit ang malungkot na boses niya.

"Keshelle it's really fine, promise I just feel so comfortable when you're around. Para bang ang sarap mo talaga maging barakada." pagche-cheer up ko rito.

"I don't know how to tell Mom and Dad about this, but I will really try my best Lucs." sagot nito.

"Okay, agahan ko na lang bukas para matulungan kitang magpaalam sa parents mo." suhestyon ko rito.

"Nah! Ang hassle na sa part mo Lucsian, I can handle this. Okay?" sagot nito.

"Asus, sige na nga. Basta susunduin kita bukas. Send mo na lang sa akin address mo ha? Para alam ko kung saan banda." bilin ko rito.

"Sige, salamat ulit tsaka good night. Tulog ka na, malapit na mag-umaga oh." paalam nito.

"Ikaw din, good night." sagot ko at binaba na ang aking cellphone.

Hindi ko mapigilang mapangiti kahit inaantok na ako, magiging masaya talaga 'to.

---

Weekend updaaate :)

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon