Chapter 32

2K 55 0
                                    

Keshelle's POV

Halos hindi ako makatulog buong magdamag, nagpahatid na lang ako kay Jaqson sa bahay. Medyo naiinis na rin kasi ako, lagi ba namang pinipilit ang sarili niya sa akin. Hindi niya ba dama na hindi ko na siya mahal? Nakakainis lang. Napabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang aking cellphone at rumehistro ang pangalan ni Lucsian.

Napakunot naman ang aking noo sa aking nabasa, para saan pa at magkikita kami? Napailing na lang ako at humiga na ulit. Siguro sasabihin niya na si Maureen pa rin talaga at akala niya ako talaga ang gusto niya. Napailing na lang ako, "Ang sakit noon ah!" natatawang saad ko. Para na akong baliw dito, patawa-tawa pero nasasaktan. Agad naman akong natigilan nang dumapo ang aking mata sa aking side table.

Larawan namin 'yon ni Maureen noong medyo okay pa siya. Napatitig naman ako roon, may mga realization na lumitaw sa aking isipan habang nakatitig sa larawan na 'yon.

"You're not okay pero heto ako nagpapaka-selfish, dapat hindi kita bigyan ng sakit ng ulo eh. Pero kasi Mau nasasaktan talaga ako tapos nakakatampo pa, wala ka man lang sinabi sa akin na naging kayo pala." saad ko habang nakatitig sa larawan namin.

Tuluyan na akong naiyak nang maalala kung paano ko siya chini-cheer sa mga panahon na down na down na siya at ayaw niya na lumaban.

"Kailangan ko lang huminga Mau, promise babalik tayo sa dati. Ayaw ko mauwi sa wala lahat, alam kong isa ako sa mga lakas mo kaya kapag medyo magaan na haharapin kita agad bukas." saad ko rito.

Dahil hindi ako makatulog, bumaba na lang ako at nag-bake ng cookies. Tulog na ang mga katulong namin kaya malaya akong gawin ang mga gusto ko gawin dito. Habang gumagawa ng mga cookies eh nagpatugtog ako sa aking cellphone, natigilam naman ako nang saktong tumugtog ang One Friend Paborito namin 'to ni Maureen eh.

Naluha na naman ako, lagi namin 'tong kinakanta kapag nagkakasama kami. Simula pa lang noon paborito na namin ang isa't isa, ayaw nga namin na may nang-aaway sa amin eh. Ang daming nagpaparemind sa akin ngayong gabi tungkol kay Maureen.

Is it a sign para kausapin ko na siya at pakinggan ang side niya? Kasi kung oo, hindi pa rin ako handa. Napayuko na lang ako, bakit ba kasi 'to nangyari sa amin?

"Iha, bakit gising ka pa?"

Agad ko namang pinunasan ang aking luha nang marinig ang boses ni Mommy.

"Hindi po ako makatulog eh kaya nag-bake na lang ako ng cokies, ikaw Mommy bakit gising ka pa?" tanong ko sa kan'ya.

"Alas kuwatro na ng madaling araw anak, ito talaga 'yong usual na gising ko. Nagulat nga ako akala ko ang aga mo nagising eh." sagot naman nito.

"Hindi ko po namalayan ang oras, sige Mommy maghanda ka na." saad ko naman dito.

"Your eyes is so sad, may problema ba ang prinsesa ko?" mahinang saad ni Mommy.

Agad naman akong yumuko sabay tikhim, napapikit ako ng mariin.

Ang tagal na kasi simula noong tawagin niya ako ng gan'yan, lagi na kasi silang busy ni daddy kaya halos wala na silang oras para sa akin. Naramdaman ko namang may humihimas sa likuran ko kaya minulat ko ang aking mata, then... I saw my Mommy.

Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit, "Can we stay like this for five minutes Mom? I just missed your hugs and care for me. Kahit five minutes lang po." saad ko at tuluyan ng humikbi.

"I'm sorry anak kung lagi kami busy ng Dad mo ha? Sige, I'll stay hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo. Sino ba nag-away sa 'yo? Sabihin mo kay Mommy para maturuan ng leksyon." saad nito habang hinahaplos ang aking buhok.

"Mom nagtatampo ako kay Maureen," buong tapang na pagtatapat ko sa kan'ya.

"Si Maureen? Bago 'yan ah, ano bang nangyari?" gulat na tanong nito.

"Sabihin na nating may ginawa siya na nagpasakit ng puso ko, Mommy hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nagtatampo ako sa kan'ya." umiiyak na sumbong ko rito. Para tuloy akong bata rito na inagawan ng kendi.

"Bagong-bago 'to Anak ah, sa pagkakaalam ko mahal na mahal niyo ang isa't isa at walang makakapag-away sa inyo. Tapos malalaman ko na nagtatampo ka sa kan'ya? Siguro malaki ang dahilan, ano nga ba ang dahilan anak?" saad sa akin ni Mommy.

Napailing naman ako, hindi pa ako handa na sabihin sa kanila ang tungkol kay Lucsian. Naging saksi rin siya noon nang lokohin ako ni Jaqson, halos ikulong ko na ang aking sarili sa loob ng kuwarto ko.

"Sige, ito na lang anak... Alalahanin mo kung gaano kayo kasaya noon ni Keshelle, paano mo siya tulungan at paano ka naging matapang para samahan siya sa mga laban niya sa buhay. Anak isipin mo kung kaya ba ni Maureen lumaban nang wala ka? Isipin mo kung dadating 'yong time na sumuko siya dahil wala ka na sa tabi niya. Anak saksi ako na isa ka sa mga lakas ni Maureen, kaya nga hinahayaan kitang halos doon na matulog 'di ba? Hinayaan kitang halos ubusin mo savings mo para lang masalba si Maureen." pagpapaalala sa akin ni Mommy.

Tuluyan na akong napahagulgol, ang selfish ko naman kung hahayaan ko siyang mag-isa.

"Salamat Mommy," humihikbing saad ko rito.

Kumawala naman ito sa pagkakayakap sa akin at agad na pinunasan ang aking luha.

"Kaya pagisipan mo ng mabuti kung tuluyan mong lalayuan si Maureen ha? Malulungkot din ako kapag iba 'yong pinili mo." saad sa akin ni Mommy sabay halik sa aking noo.

"Thank you Mommy, sige na po baka ma-late na kayo. Sobrang nakatulong ang mga payo mo Mom, salamat ulit." saad ko at niyakap siya sabay halik sa kan'yang pisngi.

"Tahan na okay? Balitaan mo ako kung okay na kayo." saad nito.

Tinanguan ko na lang ito saby ngiti, nagpaalam na siya na kailangan niya na maghanda at maaga pa siyang aalis. Mukha akong zombie nito mamaya, hindi talaga ako natulog.

Matapos makapag-bake eh bumalik na muna ako sa aking kuwarto para magbihis at maligo. Pinili ko na lang na sa bath tub na maligo, mas gusto ko rito kasi nakakapag-isip ako ng maayos. Pinikit ko na lang muna ang aking mga mata habang nakalublob sa loob ng tub.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Agad naman akong napadilat nang maramdaman na para ba akong nalulunod at tama nga ako nakalublob na ang aking buong katawan sa loob ng tub. Napabalikwas ako ng bangon at agad na huminga ng malalim.

Bakit nakalimutan kong naliligo pala ako? Tsk!

Agad naman ako bumangon at naligo na ulit para makapagbihis na.

"Hala, ilang oras pala akong natulog?" saad ko nang makalabas na ako sa banyo at nakitang alas dose na pala ng tanghali.

Nagbihis na lang ako at inayos ang aking sarili. Aayusin ko pa 'yong cokies para dalhin kay Maureen. Isang puting sleeveless lang at itim na pantalon ang aking sinuot at pinaresan ito ng puting sapatos.

Hindi ko alam kung saan magsisimula pero kailangan ko 'to gawin. Mahal ko si Maureen, ayaw ko na ako pa ang maging dahilan ng hindi niya paglaban. Napakunot naman ang aking noo nang makita ang aking cellphone na tumutunog at nakarehistro ang pangalan ni Tita.

"Hala, ilang missed calls na pala." saad ko at nagmadaling sagutin ito.

"Anak asan ka ba?" umiiyak na saad ni Tita.

"Tita nasa bahay po, bakit ano pong nangyari?" pagaalalang tanong ko rito.

"Hindi ka ba pupunta rito? Kasi Kesh, si Maureen ayaw magpaturok ng gamot. Inaaway niya 'yong mga Doktor." umiiyak na paliwanag nito.

"Hala bakit po?" naiiyak na tanong ko rito.

"Wala na rin daw dahilan para lumaban pa siya, lalo na ngayon na hindi mo na siya pinapansin." humihikbing saad nito.

"Tita papunta na po ako riyan, pakisabi po pupunta ako." saad ko at pinunasan ang aking luha.

Nagmadali na akong ayusin ang cokies at agad na dinala 'yon sa sasakyan ko. Halos paliparin ko na rin ang aking sasakyan para makarating agad sa hospital. Wala na akong sinayang pa na oras, nang makarating ako sa hospital agad kong tinungo ang silid ni Maureen.

Napakagat na lang ako sa aking labi nang magtagpo ang aming tingin ni Lucsian. Nandito pala siya.

"Keshelle..."

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon