Nagising ako kinaumagahan sa sinag ng araw, mataas na ito kaya batid ko na malapit na magtanghalian. Nang lingunin ko ang aking orasan, magaalas-dose na ng tanghali.
"Ang tagal ko pa lang nagising," saad ko sabay unat-unat.
Naligo na lang ako at nag-ayos, baka maabutan ko pa si Keshelle sa silid niya. Wala rin naman siyang sinabi kung anong oras siya ngayon aalis. Didiretso na sana ako nang biglang tumunog ang aking tiyan, hudyat na nagugutom na ako. Naisipan ko na lang na dumiretso sa buffet area, pagkabukas na pagkabukas ko nakita ko kaagad sa Faria. Kumaway ito at sumenyas na umupo ako sa tabi niya, nilibot ng aking mata ang paligid pero hindi ko nakita si Keshelle.
Hindi na ako nag-abala pang tumabi kay Faria, isang madaliang pagkain lang ang ginawa ko. Umaasa na sana maabutan ko pa si Keshelle, gusto ko kasi siya tulungan mamili ng mga pasalubong.
"Nagmamadali ka yata?" puna ni Kuya Ruben nang dalhan niya ako ng isang mangkok ng ulam.
"Oo Kuya, napansin mo po ba si Keshelle?" tanong ko rito.
"Nandito po 'yon kanina eh, sakto paglabas biya mayamaya eh dumating ka." sagot naman nito.
Tumango na lang ako at binilisan na ang aking pagkain, "maabutan ko pa siya." saad ng isip ko.
"Hey, bakit hindi ka tumabi?" biglang sulpot ni Faria.
Lumagok muna ako ng tubig bago sumagot, "Huwag ngayon Faria dahil nagmamadali ako." saad ko rito.
"Usap muna tayo, tsaka bakit ka ba nagmamadali?" maarteng saad nito.
"Faria, I said not now." seryosong saad ko sabay tayo.
Halos takbuhin ko na ang silid ni Keshelle, wala akong pakialam kung kakatapos ko lang kumain. Gusto ko na muna siya makita bago siya umalis.
"Keshelle!" tawag ko sa kan'ya habang kumakatok.
"Keshelle!" pangalawang tawag ko pero wala pa ring sumasagot.
"Nakaalis na ba siya?" nanghihinang saad ko.
Pero naalala ko, baka nasa souvenir shop siya. Agad ko namang tinungo 'yon, medyo may kalayuan kaya takbo at lakad ang ginawa ko maabutan ko lang siya. Napahawak ako sa sarili kong tuhod habang hingal na hingal na nakatitig sa souvenir shop. Tanaw na tanaw ko ang loob nito dahil naka-glass lang ang pader nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti, "Naabutan ko siya" masayang saad ko at pinunasan muna ang aking pawis bago pumasok.
"Hey!" tawag ko sa atensyon niya.
"Oy, bakit ka nandito?" gulat na tanong nito.
"Sabi ko naman sa 'yo sasabayan na kita, may mga napili ka na ba?" nakangiti kong sagot.
"Oo, namili ako ng key chain tapos t-shirt na printed at 'yong mga delicacies. Napasobra ba? Babayaran ko na lang 'yong iba," nahihiyang saad nito.
"No, kulang pa nga eh. Pumili ka pa," sagot ko naman.
Lumapit naman siya sa mga canvass ng beach na nandoon at naka-display.
"Ang ganda naman nito, ito iyong perfect na pangpasalubong sa kan'ya." manghang saad nito habang nakatitig sa canvass na resort namin ang subject.
"Gusto mo?" tanong ko rito.
"Magkano ang benta niyo nito?" taong niya.
"Ten thousand, mahal kasi kapag canvass. Pero kung gusto mo, free na 'yan sa 'yo." sagot ko naman.
"Nakakahiya Lucsian, wala akong cash na malaki eh. Puwede ko bang picture-an na lang?" tanong naman nito.
"I insist, ate pabalot nga po nito. Ako na bahala," utos ko sa nagbabantay doon.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?