Chapter 19: The kiss

2.1K 63 0
                                    

Alam kong hindi ito ang unang beses na naghalikan kami pero bakit pakiramdam ko ito 'yong una at ito 'yong pinaka-memorable? Nakapikit pa rin ako at hinayaan na si Lucsian na halikan ako at dalhin sa kung saan mang sulok ng mundo. Mas lalong uminit ang aking pakiramdam, nilalamon ako ng espiritu ng alak habang nagpapatangay sa sensasyon na dala ni Lucsian.

Pareho naming habol ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi, nakatitig lang kami sa isa't isa at walang nagsasalita. Hindi ko alam pero bigla ko na lang niyakap si Lucsian at binaon ang aking mukha sa dibdib nito, napangiti ako nang inayos nito ang buhok ko at hinagod ang aking likuran.

"Please... This time, ako naman 'yong piliin niyo." saad ko at tuluyan ng nawalan ng malay.

Lucsian's POV

Naramdaman ko na lang na nakatulog na si Keshelle habang nasa dibdib ko. Inayos ko ito at agad na kinarga, napapasulyap ako sa maamong mukha nito habang karga-karga ko siya. Ang malalambot na labi niya, parang lagi akong inaakit nito na halikan siya kaya minsan hindi ko napipigilan ang aking sarili na halikan siya. Alam kong nagulat ko siya kanina nang halikan ko siya, pero hindi ko na talaga napigilan 'yong sarili ko.

Tapos kanina magkasama sila ni Brian, hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng kaunting selos. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Natigilan naman ako sa aking paglalakad nang makasalubong ko sila Zachaos.

"What happened?" nagaalalang tanong ni Sychea.

"Wala 'to, nalasing lang." sagot ko naman.

"Huwag mo 'yan iwan sa kuwarto na siya lang mag-isa, bantayan mo na lang muna." saad naman ni Zachaos.

"Sige," sagot ko at nagpaalam na.

Huling gabi na rin nila rito, bukas ay aalis na sila at babalik na ng maynila. Nang makarating na ako sa kuwartong tinutuluyan niya, nilapag ko na siya doon at kinumutan.

"Ano ba kasi 'tong suot niya, halos luluwa na kaluluwa niya sa sobrang hapit at iksi. Kung puwede ko lang sana takpan ang mga mata ng mga lalaking nakatitig sa kan'ya kanina sabar ginawa ko na." saad ko habang inaayos siya sa higaan.

Nang lumabas na ako muntik pa ako atakehin sa puso nang may nakita akong nakatayo sa labas ng kuwarto.

"Tulog na ba siya?" tanong nito habang nakatitig sa kawalan.

"Oo, nilasing mo kasi eh." sagot ko naman.

"Choice niya maglasing Lucsian, huwag mo isisi sa akin." sagot nito sabay titig sa akin.

"Bakit nga pala kayo magkasama kanina?" tanong ko kay Brian.

"Ano namang masama doon, pareho kaming single." diretsong sagot nito sabay ngisi.

"Huwag ako Brian, alam ko namang hinihintay mo pa rin si Trinity." sagot ko rito.

Bigla naman siyang natigilan sabay tinitigan ulit ako ng makahulugan, "Lucsian alam kong marami kang babae, pero sana naman huwag mo paglaruan si Keshelle. Kahit kanina lang kami nagkaroon ng oras para mag-usap, alam kong she's longing for love 'yong totoong love." diretsong saad nito.

"Teka nga Brian, bakit ba kung makapagsalita ka eh parang matagal na kayong magkakilala ni Keshelle? Matanong nga kita, gusto mo ba siya?" Sagot ko habang pinipilit na hindi siya masigawan.

"I won't answer your question, pero kapag pakiramdam ko na hindi siya mahalaga sa 'yo then you need to back off." sagot nito sabay talikod.

Agad ko naman itong hinabol sabay tinulak, "Brian anong plano mo?" hindi ko na napigilan ang aking sarili at nabulyawan na ito.

"Watch out," sagot nito sabay ngisi.

"Hindi kita hahayaang gawin ang plano mo Brian. Tandaan mo 'yan," sagot ko rito at nauna ng maglakad.

"How can a guy with a stone heart love a girl like Keshelle?"

Bigla akong natigilan sa sinabi nito...

Oo nga pala, bakit ba naguguluhan ako sa nararamdaman ko eh hindi naman ako naniniwala sa happy ending? Ang totoo, nagiging masaya ako sa tuwing may nahuhulog sa akin pero hindi naman ako nakikipag-commit ng totoong relasyon.

Dahil ba umaasa pa rin ako na babalik pa si Maureen?

Hindi ko na namalayan, nawala na pala si Brian doon. Dumiretso na lang ako sa kitchen para magpaluto ng sopas para kay Keshelle para mahimasmasan. Lumabas na muna ako habang hinihintay 'yon at naupo sa maliit na kubo na tanaw na tanaw ang bawat hampas ng alon.

It's been a decade, pero bakit pakiramdam ko siya pa rin? O baka kailangan ko lang talaga ng closure. Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa sa aking naisip.

Kanino ba ako puwede makipag-usap? Iyon sanang makakatulong sa akin...

"Ahm!"

Napalingon naman ako nang biglang may tumikhim sa aking likuran.

"Faria, bakit gising ka pa?" tanong ko rito.

"Akala ko kasi tabi tayong matutulog ngayon." sagot nito sabay tumabi sa akin.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito, "Wala naman akong sinabi na magtatabi tayo." sagot ko rito.

"Pero natatakot ako, ako lang kasi mag-isa sa kuwarto." sagot nito sabay hawak sa aking braso.

"Faria may inaasikaso ako ngayon, pasensya na." sagot ko sabay bawi ng tingin sa kan'ya.

"Alam ko namang nagpapapilit ka lang eh," sagot nito sabay tayo at paharap na kumandong sa akin.

"What are you-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong halikan.

Hindi ako nakatugon sa gulat, pero agad namang tumugon ang aking mga labi sa halik niya. Bakit nga ba ako nagdadalawang-isip kung wala naman akong sabit? Tsaka ito naman talaga 'yong gawain ko...

Hinayaan ko na lang ang aking sarili na tumugon sa mga halik ni Faria, kung saan-saan na napupunta ang halik niya. Sa  labi pababa sa leeg at babalik na naman sa labi.

Pareho naman kaming natigilan nang biglang may kumalabog sa aming harapan.

"Aray," mahinang saad ng boses ng babae.

Napalingon kami ni Faria sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang aking mata nang makita si Keshelle na pinupunasan ang binti niya na natapunan ng... Sopas.

"Keshelle-"

"I-I'm sorry, akala ko kasi si Lucsian lang 'yong nandito... Pasensya na sa disturbo." saad nito sabay talikod.

"Panira ka talaga ng moment!" sigaw ni Faria dito.

Bigla namang natigilan si Keshelle sa sinabi nito sabay harap ulit.

"Sorry naman kung wala kayong manners 'di ba? Kung saan-saan lang kayo naglalampungan eh may kuwarto naman doon!" sigaw pabalik ni Keshelle.

"Eh sa-"

"Keshelle!"

Hindi na natapos ni Faria ang sasabihin niya nang bigla namang sumulpot si Brian,  matalim niya kaming tinignan at doon ko pa napagtanto na nakapatong pa rin sa akin si Keshelle kaya tinulak ko siya pababa.

"Brian?" gulat na tanong nito.

"Dinalhan kita ng sopas sa kuwarto mo, pero wala ka nang nakarating ako doon eh. Nakita kita rito kaya nilapitan na kita, kainin mo na 'yon para mawala ang hang-over mo." saad ni Brian dito.

Naikuyom ko na lang ang kamao ko, alam kong kapatid ko si Brian pero bakit niya kailangan gawin 'to?

"Nagabala ka pa, per salamat... Natapon kasi 'yong kakainin ko sana eh. Tara na?" sagot naman ni Keshelle rito.

Tumango naman si Brian sabay tingin ulit sa akin, "I already warned you." saad nito at sumunod na kay Kesh.

Malalalim na hininga ang aking pinakawalan...

This can't be, may gusto ba siya kay Keshelle?

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon