Kinabukasan nagpaplano na sila sa mga dadalhin sa resort. Hindi na muna kami ngayon pupunta dahil bibili raw muna sila ng mga gamit na kakailanganin doon, napagdesisyonan din nila na isang linggo kaming mamamalagi roon. Balita ko rin eh nakauwi na si Kyen na kaibigan ni Sy, kaya sinabi ko naman sa kan'ya na imbitahin sila para marami kami.
Kinagabihan, pinili ko na lang na pumunta sa bar na iniinuman ko, naging suki na rin ako doon kaya doon ko na lang piniling pumunta.
"Hello Sir, tagal niyo yatang 'di nakabalik dito ah?" salubong ng bartender sa akin nang umupo na ako doon.
"Makatagal ka ah, dalawang araw pa lang naman eh." natatawang sagot ko rito.
"Dati rati kasi Sir lagi kang nandito," sagot naman nito.
"Naging abala lang kaya minsanan na lang ang pagpunta ko rito." sagot ko naman.
Hindi ko na sinabi sa kan'ya kung ano ang iinumin ko, alam na alam niya na kung anong ibibigay niya sa akin.
"A hard drink for a handsome guy," bigla naman akong napalingon sa may kanan ko nang may babaeng lumapit sa akin.
Parang pamilyar ito sa akin pero 'di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Thank you, do you want some drink too?" sagot ko rito sabay lagok sa binigay niyang alak.
"No thanks, gusto ko lang umupo rito sa tabi mo." sagot niya naman.
"Sir excuse me po, ito na 'yong alak mo." sabat naman ng bartender.
"Thank you," sagot ko rito at abot ss alak na hawak niya.
"Wow, sa pagkakaalam ko malakas ang tama ng alak na 'yan. Ang cool mo naman," saad ng babae at hinila ang upuan para mapalapit sa akin.
"Hindi naman, tsaka sanay na ako na ito inumin eh. Oo nga pala, ano nga pala pangalan mo?" tanong ko rito.
Lumapit ito sa akin sabay bulong, "Faria Adelson."
Bigla naman akong napangisi sa ginawa nito. Nakagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi nang rumehistro sa akin ang maiksi niyang suot, sa kinikilos pa lanh niya para na itong nagyayaya.
Umupo naman ito ulit sa upuan niya, ako naman 'yong lumapit sa kan'ya at sinadyang madikit ang aking labi sa kan'yang tenga.
"I am Lucsian Turner," sagot ko rito.
Muntik pa akong matumba nang bigla niya akong hilain at dinampian niya ng halik ang aking leeg.
"I like you," saad ni Faria.
"I like you too, masyadong palaban." sagot ko naman dito at umupo na.
Nilagok ko muna 'yong alak ko at sumenyas sa bartender ng isa pang baso. Hinila ko palapit sa akin si Faria, tinitigan ko naman ito pababa sa labi niya, dibdib at makinis na hita.
"You're so sexy," saad ko rito.
Bigla naman itong tumayo at kumandong sa akin at pinulupot ang braso niya sa aking batok. This girl is really seducing me, mabait ako kaya ibibigay ko ang hinahanap niya.
Bigla naman akong napangisi at agad na hinalikan ang labi nito, mas lumalim ag aming halikan dahil dinidiin niya ang aking ulo sa kan'ya. Magaling itong humalik, parang gamay na gamay niya kung ano ang tamang paghalik, madadala ka niya talagabat magpapalabas ng init katawan mo.
Hinawakan nito ang aking kamay at inilagay sa bewang niya, idinikit niya naman ang katawan niya sa akin at hindi pa rin natatapos ang aming halikan. Wala akong pakialam kung maraming tao sa paligid, halos ganoon din naman ang kanilang ginagawa. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinayaan ang aking kamay na malayang maglakbay sa katawan ni Faria.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?