Chapter 36

6.4K 97 2
                                    

Nakakapanibago na gigising akong hindi na pupunta sa hospital. Ang sakit sa pakiramdam na isa ako sa mga nag-aayos ng mga gamit niya, marami na rin siyang mga naiwan na gamit sa hospital dahil sa tagal ng pamamalagi niya rito. Habang nag-aayos, hindi ko mapigilang tumulo ang aking luha.

"Ang sakit pa rin," mahinang saad ko habang nakatitig sa painting na binigay ko sa kan'ya.

"Maureen I miss you, miss na miss na kita agad. Hindi ako sanay na hindi na marinig ang boses mo... Ang tawa mo tapos ang mga ngiti mo, miss na miss na kita." umiiyak na saad ko habang yakap-yakap ang damit niya.

"Keshelle, alam ko masakit pa rin dahil bago pa. Pero ito na lang ang isipin mo, masaya na si Maureen kung saan man siya ngayon. You know why? Because finally she can rest." pagpapagaan ni Lucsian sa loob ko.

"Lucs i'm so down right now, sobra akong basag. Iyong puso ko basag na basag, hindi ko alam pero ang lungkot-lungkot ko. Lucs help me..." humahagulgol na saad ko rito.

Agad niya naman akong niyakap at pinapatahan. "Nandito lang ako, sa akin mo kunin ang lakas na kailangan mo. I'll be your strength, kumapit ka lang sa akin at aakayin kita." sagot nito habang hinahagod ang aking likuran.

Napalingon naman ako sa pintuan nang bigla itong bumukas, biglang nag-itim ang aking paningin nang makitang si Jaqson 'yon.

"What the hell are you doing here?" singhal ko rito.

"Where's Maureen?" tanong nito.

"The hell you care! Lalabas ka o papatayin kita?" banta ko rito.

"I'm just asking Keshelle, kaya nga ako nandito para sana humingi ng tawad sa kan'ya." sagot naman nito.

Isang sarkastikong ngiti ang aking tinugon sa kan'ya, "Hihingi ng tawad Jaqson?" paglilinaw ko rito.

Tumango naman ito, "Huling-huli na Jaqs, panis na 'yong sorry mo!" mariin na sigaw ko rito.

"Hindi kita maintindihan Keshelle, bakit ba galit na galit ka?" sagot nito habang pinipilit na pakalmahin ako.

Napayuko na lang ako sabay takip sa aking bibig upang hindi mapahiyaw sa sobrang sakit.

"Jaqson umalis ka na," saway sa kan'ya ni Lucsian.

"Teka lang naman Lucsian, nag-uusap kami ni Keshelle oh?" pamimilit naman nito.

"Maureen is dead, she's dead! Masaya ka na ba ha?" umiiyak na sigaw ko rito.

"W-what?" gulat na gulat nitong tanong.

"Yes wala na siya kaya please lang huwag ka ng manggulo pa rito. We don't need you here." saad ko rito at tumalikod na.

"I'm sorry," saad nito.

"Wala na Jaqs, hindi na 'yan maririnig ni Maureen." sagot ko at hindi na siya nilingon.

"I'm sorry if I still loved you," saad nito na nagpatigil sa akin.

Napapikit ako ng mariin, at kinalma muna ang aking sarili.

"Jaqson are you blind or you're just really stupid? I don't love you anymore, and please respect Maureen. Pumunta ka ba talaga rito para sa kan'ya o nandito ka lang para inisin na naman ako? Nanggigigil na saad ko rito.

"Honestly I came here because I want to apologize and I also came here for you." sagot naman nito.

"Look, I love Lucsian. Siya na 'yong taong mahal ko ngayon at hindi na ikaw. Naiintindihan mo ba 'yon Jaqson?" paglilinaw ko rito.

"Hindi ka niya mahal Kesh, ginagamit ka lang niya dahil wala na si Maureen. Alam ko na si Maureen pa rin-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin niya nang sunggaban ito ni Lucsian ng suntok.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon