"Faria! What are you doing here?" takang tanong ni Lucsian dito.
"Nakalimutan mo na ba? You gave me the address of this resort, I'm glad that you are here." sagot nito sabay nakipagbeso-beso kay Lucsian.
"Kati!" mahinang saad ko sabay irap.
"Ah oo, tama nga pala... Good to know na you really came for a try." nakangiti namang sagot ni Lucsian.
"I-tour mo naman ako rito oh," malanding saad nito.
"Sure, pero wait... Oscar, pakidala nga ng mga gamit niya sa tutuluyan niya. Ihatid niyo 'yan sa vip room." utos nito sa kan'yang katiwala.
"Sige po Sir," sagot ni Oscar at kinuha na ang dala ni Faria.
"Ang ganda naman pala rito," saad nito sabay pinulupot ang braso niya sa braso ni Lucsian.
Napailing na lang ako sa ginawa nito, akala mo naman talaga close sila eh!
"Ahm, Lucsian... Mauna na ako, hindi ako na-informed na may iba ka pa palang bisita." saad ko rito at tinapunan ng tingin si Faria.
"Teka, baka gusto mo sumama?" alok nito.
"Nah, may gagawin din kasi ako... Sige, enjoy kayo!" sarkastikong saad ko sabay talikod.
"Hey, wait!" bigla naman akong natigilan nang tawagin ako ni Faria.
Nilingon ko ito sabay taas ng kilay, "Hindi ba ikaw 'yong babae na nakita ko sa bar?" saad nito habang nakatingin sa akin.
"Hmm... Ah oo, naalala na rin kita... Ikaw 'yong babaeng walang hiya sa sarili at nakipaglampungan sa kahit saan 'di ba?" balik ko ng tanong sa kan'ya.
Agad naman siyang natahimik sa aking sinabi, isang ngiting nakakaloka ang ginawa ko sa kan'ya bago tuluyang umalis.
Nilibot ko na lang ang resort at kumuha ng mga larawan na ipapakita ko kay Loves. Mayamaya pa, tumunog ang aking cellphone hudyat ito na may mensahe...
"Busy ka ba? Video call naman tayo."
-
"Hey loves! Medyo mahina signal dito eh, don't worry kumukuha ako ng mga litrato ngayon."Sayang, kung malakas lang sana 'yong signal baka nagawa ko pang makipag-video call sa kan'ya. Naglakad ako papunta sa dalampasigan kung saan abot ng alon ang aking paa.
Mataas ang sikat ng araw pero wala akong pakialam, gusto ko lang sulitin ang sariwa ng hangin na dala'y amoy alat. Biglang nangilid ang aking luha habang nakapikit, inaalala kung gaano kami kasaya noon.
"Hindi ko kaya... Hindi ko kakayanin, ayaw ko." humihikbing saad ko.
Napayakap na lang ako sa sarili ko nang 'di ko na mapigilan ang aking sarili sa pag-iyak.
"Panyo oh,"
Agad na napukaw ang aking atensyon sa boses na 'yon. Nang imulat ko ang aking mata, nakita ko si Brian... Kapatid ni Lucsian na may hawak na panyo.
"Malinis 'to, kunin mo na." walang emosyon nitong saad.
Tumango ako rito sabay kuha ng panyo na inaalok niya.
"Salamat," saad ko sabay pahid noon sa aking namamasang pisngi at mata.
"Bakit ka umiiyak, inaway ka ba ni Kuya?" tanong nito.
"No... Wala..." sagot ko naman dito.
"I saw him earlier, may kasamang ibang babae. Nagseselos ka 'no?" panghuhuli nito.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?