Chapter 5

3K 68 0
                                    

Tuluyan na ngang umalis si Aubrei, mabuti na rin 'yon para matahimik kami. Akala ko pa tuloy aalis ang mga magulang ni Sy, mabuti na lang at napakalma nila Mommy.  Dahil tapos na kaming kumain, pinili na lang namin na sa veranda tumambay umakyat muna si Sy at Zachaos sa taas para kunin ang mga pasalubong ni Sy para sa amin. Bigla namang lumapit sa amin sila Tita at Tito.

"Lucsian, ikaw kamusta na buhay pag-ibig mo? Nauunahan ka ng kapatid mong si Zachaos." nakangiti pangangamusta ni Tita sa akin.

"Wala pa po Tita eh, parang dagat ang daming isda pero ang hirap pumili." sagot ko naman dito.

"Ang sabihin mo na lang, gusto mo kasi lahat ng klase ng isda." sabat naman ni Brian.

Bigla naman silang nagtawanan dahil sa sinabi ni Brian.

"Baliw, huwag mo akong binabaliktad Brian! Alam ko na kung nag-jowa ka tig-dadalawa." sagot ko naman dito.

Ngumisi lang ito, kaya umiling na lang ako rito.

"Kayo talaga, dati pa lang eh alam ko na lalaki kayong guwapo at habulin ng babae. Pero lagi niyo tatandaan ha? Na ang babae ay hindi laruan, may puso sila at may nararamdaman. Kaya huwag niyo subukan manakit ng babae, lagi niyo iisipin ang Mommy niyo bago kayo gumawa ng move na saktan ang babae." Bilin sa amin ni Tita.

Tumango naman kami ni Brian kay Tita, kaya siguro napalaki nila ng maayos si Sy dahil sa ang bait-bait nilang magulang.

"Mabuti na lang talaga at pumasyal kayo rito, nang may kumausap din sa mga batang 'yan. Lumaki na ang mga 'yan, hindi na nakikinig sa akin." sabat naman ni Mommy nang lumapit ito sa amin.

"Hindi 'yan totoo Mommy," tanggi namin ni Brian.

"Hindi raw, mukha niyo!" sagot naman ng Mommy.

Maya-maya pa bumaba na si Sychea at Zachaos galing sa kuwarto, may mga dala itong malalaking paper bag. Bigla tuloy akong na-excite kung ano ang laman noon.

"Ito na!" anunsyo ni Sychea.

Agad naman kaming pumuwesto sa harapan niya, nakatitig lang ako sa dala nitong paper bag at pilit na iniisip kung tama ba ang nasa isip ko na laman ng paper bag.

"This is for Mama and Papa," umpisa ni Sychea at abot sa pinakamalaking paper bag sa mga magulang niya.

"Salamat anak," saad nila Tita.

Hinalikan niya lang ang nga ito sa noo at niyakap.

"While this is for Tito and Tita," nakangiti nitong saad at abot kina Mommy sa paper bag.

Sumilip naman ako kung ano ang laman noon at nakita ko ang expensive wine na paborito ni Daddy.

"Thank you iha, you are really the best!" saad ni Daddy dito.

Kita sa mga ngiti ni Sy kung gaano siya kasaya habang namimigay ng pasalubong.

"This one is for Brian!" anunsyo nito at abot kay Brian.

"Omg, parang alam ko na ang laman nito." nananabik na saad nito.

"Hulaan mo," sagot naman ni Sy.

"Parang sapatos! Tama ba ako?" tanong ni Brian.

"Haha! Basta tignan mo na lang mamaya." sagot naman ni Sy sa kan'ya.

"Sy, how about mine?" tanong ko rito.

"Wait, masyado ka naman excited eh." tumatawang saad nito.

"Tse! Pagkakaisahan niyo na naman ako." saway ko sa kan'ya.

"No, I really bought something for you." sagot nito at abot sa akin ng paper bag.

"Wow naman, parang madaming laman. Salamat Sy, salamat talaga." saad ko naman dito.

"Always kayong welcome guys," sagot naman ni Sy.

Sabay-sabay na namin 'yong binuksan,napapa-wow kami sa sobrang ganda at gara nito. Regalo ni Sy sa akin ay bag, tapos shoes na sobrang ganda ng kulay. At syempre ininom na namin ang wine ni daddy. Habang masayang nagkukuwentuhan biglang nagsalita si Mommy na ikinatigil naming lahat.

"Punta tayong resort bukas, total naman kumpleto tayo." nakangiti nitong saad.

Napatingin naman ako agad kay Zachaos at Sychea, nag-aalala kasi ako na baka na-trauma pa si Sy sa nangyari noon.

"Gusto ko rin makabalik doon, okay lang ba anak?" tanong ni Tita kay Sy.

"Oo naman Ma," sang-ayon nito.

"Magiging masaya 'to!" sabat ko naman sa kanila.

"You sure, it's okay to you?" tanong ni Zachaos kay Sy.

"Oo naman, napatawad ko na si Kyen matagal na. Alam ko rin naman na hindi mo ako pababayaan eh." panigurado ni Sy dito.

"Kung ganoon sige, basta ingat lang tayo." sagot ni Zachaos at hinalikan ang noo ni Sy.

I really don't believe in happy ending pero minsan napapatanong ako sa sarili ko habang tinitignan si Zachaos na masaya kasama si Sy. Na kung ako kaya, sasaya rin kaya ako? O baka naman aasa na naman ako nito sa huli.

Sana lang talag sila na hanggang dulo...

---

A/N: Super late upload, pasensya na. Good night guys! ❤

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon