Chapter 25

1.9K 53 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil ang aga ko ring nagutom. Nagluto na rin ako ng puwede kong dalhin sa hospital, alam kong namiss ni Tita 'yong luto ko. Sayang nga lang at hindi pa puwede si Maureen kumain ng luto ko. I can't help myself from smiling, knowing that he'll be here soon, Lucsian.

Naligo na rin ako tapos pinaayos sa isa naming katulong ang aking dadalhin. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng maraming kolorete sa mukha, baka kasi magmukha pa akong Faria. Natawa na lang ako sa aking naisip, sinimplehan ko lang ang aking suot. Isang kulay plain black na  V-neck at highwaisted short at puting sapatos, hinayaan ko na rin na nakalugay ang aking buhok.

Bago tuluyang lumabas ng aking kuwarto pinagmasdan ko muna ang aking repleksyon sa salamin.

"Saya natin ah," mahinang saad ko.

Nagpatulong na lang ako sa aming katulong sa pagdala ng mga gamit na dadalhin ko sa hospital, ako naman ang nagbit-bit noong canvass baka kasi masira nila excited pa naman si Mau na makita ito.

"Salamat po," saad ko sa kanila.

Umangkas na ako sa aking sasakyan at tinungo na ang hospital. Sakto pagdating ko roon eh kakain na sana si Tita.

"Tita pinagluto kita ng mga ulam," salubong ko rito.

"Nag-abala ka pa iha, ikaw talaga nakakahiya naman sa 'yo." nahihiyang saad nito.

"Tita talaga, hindi na kayo bago sa akin tsaka okay lang po. Gising na po ba si Mau?" saad ko at nilapag muna ang aking mga dala.

Sa tagal ng naka-confine ni Mau rito eh binigyan na rin si Tita ng room na para sa kan'ya, para lalagyan ng mga gamit at hindi na mahirapan pa sa pagtulog din.

"Oo, masaya niya ngang binalita sa akin na may mga pasalubong ka raw para sa kan'ya." tuwang-tuwa na saad ni Tita.

"Opo Tita, ipapakita ko na po 'tong canvass sa kan'ya." nakangiti kong saad sa kan'ya.

"Hindi mo talaga tinanggalan ng balot ah?" natatawang saad ni Tita.

"Syempre po gusto ko na kapag binuksan ko 'to eh sa harap ni Mau." sagot ko naman dito.

"Oh siya, pumasok ka na roon at kanina ka pa niya gusto makita." sagot naman ni Tita.

"Sige po, ito nga po pala pasalubong ko sa inyo Tita." saad ko rito sabay abot sa kan'ya  ng isang printed shirt, key chain at delicacies.

"Thank you talaga iha, hindi mo talaga ako nakakalimutan." masayang saad nito.

"Malakas kayo sa akin eh, sige Tita pasok na ako." saad ko rito.

Syempre safety muna bago pasok, hand sanitizer, alcohol, lab gown and hair net. Dumaan naman ako sa nurse station kanina at okay lang daw na ipasok ko 'yong painting.

"Good morning sa pinakamaganda kong kaibigan!" masiglang bati ko rito.

"Hey, good morning finally you're here!" tuwang-tuwa nitong saad.

"Yes and as what I've promised, dala ko na ang aking pasalubong!" saad ko at pinakita ang canvass na dala ko.

"Wow, salamat Kesh." pasasalamat nito.

"Sino magbubukas, ako o ikaw?" tanong ko rito.

Ngumiti ito ng bahagya, "Ikaw na lang kita mo naman ang dami nakakabit sa akin." saad nito.

Para tuloy sinaksak ng kutsilyo ang aking puso sa aking narinig. Tumikhim muna ako bago ngumiti ulit.

"Sige ako na magbubukas, pero dapat nakatingin ka ha." saad ko rito habang pinipigilan ang aking luha na tumulo.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon