"Hello Kuya!" bati sa akin ni Odessa.
"Hello, kamusta kayo?" salubong ko rin sa kanila.
"Heto okay lang, long time no see po." sagot naman nito.
"Hey, mamaya na lang 'yong kamustahan. Alis na tayo, para makapag-swimming pa tayo." saad ni Sychea sa amin.
"Beshy naman eh, oo na. Kyen halika na." saad ni Odessa at hila kay Kyen papunta sa van na sasakyan namin.
"Brian, saan ka sasakay?" tanong ko kay Brian na nakatayo pa rin.
"Baka... Diyan na nga lang, sa hulihan na lang ako. Inaantok pa ako eh, gusto ko pa matulog." sagot naman nito.
"Sige puwesto na kayo guys, para makaalis na tayo." anunsyo ni Zachaos.
Nauna ng pumasok si Brian, siya nga talaga sa hulihan tapos sa sunod naman ay kami ni Keshelle. Nagsiksikan naman sila Zachaos, Sychea, Odessa at Kyen.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Keshelle na nananahimik.
"Yeah, I'm good. I'm just happy, meeting new people because of you." sagot naman nito.
"Gan'yan ba 'yong mukha ng masaya? Isang ngiti nga riyan." saad ko naman dito.
"Masaya ako promise, medyo excited nga ako eh kasi ito na finally." sagot naman nito.
"Sabi ko naman sa 'yo eh, mag-enjoy ka lang ha? Huwa mo muna isipin 'yong mga problema mo, just think positive." saad ko rito.
"I'm excited to know them more, ilang week din tayo mags-stay doon so i'm sure makakasundo ko sila." sagot naman nito.
Tumango na lang ako rito at tumingin sa puwesto nila Zachaos. Halata sa mga ngiti nila na masaya talaga sila, pero pansin ko kung paano tignan ni Zachaos si Kyen. Kahit kailan, seloso pa rin talaga.
"Ang ganda niya pala talaga 'no? Bagay sa kan'ya 'yong suot niyang summer dress na hanggang hita at off shoulder. Kung anong itinikas ko siya ring hinhin niya." natatawang saad nito.
"Maganda ka rin naman eh," biglang saad ko.
Agad naman itong tumingin sa akin sabay ngiti, "Ayie! Umamin na siya, sabi ko naman sa 'yo e na maganda ako." saad nito sabay kiliti sa gilid ko.
"Ayie, ang sweet naman nila." biglang sabat ni Odessa.
"Anong sweet? Kaibigan lang kami Ode," saad ko rito.
"Hello po, hindi nga pala kami nakapagpakilala sa 'yo. Ako nga pala si Odessa, Ode for short kaibigan ni Sy." pagpapakilala nito sabay abot ng kamay niya kay Keshelle.
"Hello, ako nga pala si Keshelle. You can call me Kesh, para 'di gaano mahaba." sagot nito sabay abot sa kamay nito.
"Ako naman si Kyen, boyfriend ni Odessa at kaibigan ni Sychea." nakangiti nitong saad sabay abot ng kamay kay Keshelle.
"Hello, wow naman. Baka ma-op tayo nito Luc." biro ni Keshelle.
"Naku! Hindi kayo ma-o-op, parang barkada lang din kami eh kaya no worries. And correction, barkada talaga kaming tatlo." saad ni Odessa kay Keshelle.
"At talagang kayo ang nagakatuluyan ha?" natatawang saad ko kay Odessa.
"Of course, time can't changed the feeling of being in loved." sagot naman nito.
"Edi kayo na!" tumatawang saad ko rito.
"Sila rin nagkatuluyan Kuya," biglang singit ni Zachaos.
"Oo nga eh, pero seryoso masaya na rin ako para sa kanila." sagot ko, makapagsalita ako akala mo talaga magkaibigan kami dati eh.
Kamustahan lang ang naganap habang nasa biyahe kami, dumaan na rin kami ng convenient store para bumili ng mga makakain habang nasa biyahe. Dahil wala ring kain sila Odessa kaya naisipan namin mag drive thru. Napuno kami ng fries dahil sa adik sa fries ang mga nakasakay doon.
Nilingon ko si Brian sa likuran pero tulog na tulog pa rin ito, walang pake sa mga nangyayari sa paligid niya. Napansin ko naman na nilalamig si Keshelle, medyo malakas kasi 'yong aircon.
"Kesh gusto mo mag-jacket? Medyo malayo pa tayo sa resort namin tapos dadaan pa tayong airport." saad ko rito.
"Sige ba, nasa ilalim kasi ng mga gamit ko 'yong jacket ko." sagot naman nito.
Agad ko namang hinubad ang suot kong jacket at inabot sa kan'ya.
"Himala yata at nag-alok ka?" natatawang saad nito.
"Naaawa na kasi ako sa 'yo eh," sagot ko sabay baba sa suot kong sunglass.
Pinili ko na lang na pumikit muna, medyo matagal din kasi akong nakatulog kagabi. Maya-maya pa, habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagkakatulog naramdaman kong may nakasandal sa aking balikat. B
Napatingin naman ako agad dito at nakitang si Keshelle ito na umidlip din pala.Natutulog na rin 'yong iba, medyo malapit na rin kami sa airport kaya okay na rin. Hindi na ako matutulog, hindi rin ako masyado gumalaw at baka magising si Kesh. Ilang oras din ang lumipas bago kami tuluyang nakaalis ng Manila. Bago tuluyang umabot sa resort eh kailangan pa sumakay ng barge. Medyo na-e-excite na ako kasi medyo matagal na rin simula noong huli kaming nanatili sa resort.
Syempre nang nakarating na kami sa province hindi na sila natulog, malapit na rin eh kaya ayaw na nila palampasin pa ang mga oras na matutulog lang sila. Pagkadaong ng barge sa kabilang isla, bumaba na kami at bumiyahe papunta sa resort. Amoy na amoy na ang sariwang hangin at maalat na amoy nito.
"Excited ka na ba?" nakangiti kong tanong kay Keshelle.
"Sobra!" sagot nito, napangiti na rin ako nang makita ang matatamis na ngiti nito.
"Keshelle huwag ka lang mahiya ha? Kapag kailangan mo ng kausap lapitan mo lang si Sy o 'di kaya si Ode." bilin sa kan'ya ni Zachaos.
"Yeah sure, thank you!" sagot naman nito.
Ilang minuto na lang ang hihintayin at dadating na kami. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko mapigilang manabik lalo na noong natanaw ko na ang aming resort. Nasa labas na sila Kuya Ruben na naghihintay yata sa pagdating namin.
Nauna ng bumaba sila Mommy at Daddy, pati na si Tito at Tita.
"Brian gising na riyan kanina ka pa natutulog." gising ko kay Brian.
"Hmm," sagot nito.
"Brian halika na!" tawag ko ulit noong magbabaan na sila.
"Lucsian antayin na kita," saad ni Keshelle.
"Bumaba ka na Kesh, gisingin ko lang 'to." saad ko rito.
"Sige sa baba na lang kita hihintayin," sagot nito at bumaba na.
Ilang tapik din a g nagawa ko bagp siya tuluyang gumising. Nang masigurado kong gising na ito eh bumaba na rin ako.
Nauna na silang pumasok at nahuli na kami ni Keshelle.
"Ang ganda dito, napaka-relaxing." kumento nito.
"Thank you," pasasalamat ko rito.
"You daughter of a bitch, what the hell are you doing here?"
Agad kaming nagkatinginan ni Keshelle nang marinig ang sigaw ni Zachaos. Nasa front desk sila kaya dumiretso kami doon.
Nang makarating ako doon, kahit ako eh nagulat sa aking nakita.
"Welcome to our resort everyone," anunsyo ni Aubrei.
Yes, Aubrei is here again.
---
A/N: Supeeer late na pero update pa rin. Good night guys! Mwaa.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?