Chapter 28

1.8K 50 0
                                    

Maureen's POV

I love him, I still love him and I really do.

I was so schocked, lalo na noong nalaman ko na si Lucsian pala ang tinutukoy ni Keshelle. I am so happy for her, kitang-kita kasi sa mga mata nito kung gaano siya kasaya noong nagkukuwento siya tungkol kay Lucsian. Pero wala talaga akong ideya na si Lucsian pala ang lalaking minamahal niya ngayon.

Sinong makakalimot kay Lucsian? He is the most perfect person na naging parte ng buhay ko, na naging parte ng nakaraan ko. Akala ko wala na, akala ko kaya ko na ulit kapag nakita ko na siya pero I still love him.

Ang sakit, lalo na at sinasabi niyang mahal niya pa ako. Hindi na kasi puwede, huli na at hindi na sapat. Ayaw ko saktan si Keshelle kaya hanggat kaya ko siyang ipagtulakan palayo gagawin ko dahil mahal ko si Kesh. Sigurado rin naman ako na mahal niya si Kesh, naguguluhan lang siya dahil nakita niya ako ulit.

"Bakit naman napakamapaglaro ng tadhana, ang dami namang lalaki eh pero bakit si Lucsian pa?"

Hindi ko na maiwasang maluha, sa kalagayan ko ring 'to sino pa magmamahal sa akin eh alam ko naman na malapit na akong mamatay.

"Wala ng rason pa para balikan si Lucsian, mahal niya si Keshelle at mahal siya ni Kesh kaya ako na ang lalayo."

Agad ko namang pinunasan ang aking luha nang mapansin na may pumasok sa loob ng silid ko.

"Maureen?" takang tanong nito.

"Jaqson, finally nakita ulit kita. Hinatid mo na ba si Keshelle?" tanong ko rito.

"Yes, nagulat lang ako kasi ang laki ng pinayat mo." saad nito at lumapit sa akin.

"Anong binabalak mo?" diretsong tanong ko rito.

"Magpapaalam sana ako sa 'yo na liligawan ko ulit si Keshelle." sagot nito.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi nito, "Are you serious?" sarkastikong saad ko rito.

"I know nasaktan ko siya noon Maureen, babawi ako ngayon. Lahat ng mga pagkakamali ko, lahat ng mga kakulangan ko. Hayaan mo lang ako na ligawan siya." saad nito habang nakatitig sa akin.

"Bakit mo 'to sinasabi sa akin?" tanong ko rito.

"Alam ko kasi kung gaano ka ka-importante kay Keshelle, hindi lang ako makapaniwala na pumayag siyang ligawan ko siya ulit." sagot nito na ikinagulat ko.

"Can you please stop telling lies Jaqson? Galit na galit siya sa 'yo kaya hindi ako naniniwalang pumayag siya." saway ko rito.

"Hindi ako nagbibiro, kahit tanungin mo pa siya ngayon." desididong saad nito.

Bakit 'to ginagawa ni Keshelle? Para ba ipakita kay Lucsian na hindi siya apektado? No, hindi ako makakapayag!

"Ask her, makikita mo hindi kita niloloko." seryosong saad nito.

"Can you please call her?" saad ko rito.

"Sabi niya hindi raw muna siya papasok dito, she's not feeling well baka raw lumala ang sakit niya kapag matagal siyang nanatili sa hospital." sagot naman nito.

"See? You're lying! Hindi ako naniniwala sa 'yo." saad ko rito.

"Hindi kita pipilitin na maniwala sa akin Maureen, kilala ko si Keshelle. Siguro nga ikaw ang may kasalanan kaya siya naglasing eh, ikaw nga ba?" pang-aasar nito sa akin.

Tinignan ko ito ng masama, wala siyang karapatan na paratangan ako!

"No, hindi ako." maikling sagot ko rito sabay yuko.

Alam ko nama na ako talaga ang may kasalanan.

"See? Grabe ka naman Maureen, pinahalagahan ka ni Keshelle tapos sasaktan mo lang siya? Ilang beses niya rin sinacrifice ang relasyon namin para lang alagaan ka, tapos ito lang ang isusukli mo?"

Hindi na ako nakatiis kaya sinigawan ko na 'to.

"Wala kang alam! Umalis ka na rito at huwag ka na magpakita sa akin!" sigaw ko rito.

Napahawak ako sa aking dibdib matapos sumigaw, alam kong bawal 'yon kaya heto at habol-habol ko na naman ang aking hininga. Agad namang pumasok si Mommy at Lucsian nang marinig na sumigaw ako.

"Lucsian tawagin mo ang Doctor!" utos ni Mommy kay Lucsian.

Agad naman siyang lumabas, si Jaqson naman ay nasa isang tabi at nakatitig lang sa akin.

"Ano bang nangyari Jaqson? Bakit sumigaw ng ganoon ka lakas si Maureen?" tanong ni Mommy dito.

"Hindi ko po alam Tita," pagmamaang-maangan nito.

Hawak-hawak ko pa rin ang aking dibdib at habol-habol ang aking hininga. Unang nakabalik si Lucsian, at kasunod niya si Keshelle.

Napapikit na lang ako nang lumapit sa akin si Lucsian at hinahagod ang aking likuran. Gusto ko siya awatin dahil nandoon si Keshelle, ayaw ko siyang masaktan.

Nang imulat ko ang aking mata, nakita kong umiiling si Keshelle habang pinipigilan ang kan'yang luha. Hinila naman siya ni Jaqson palabas ng kuwarto ko.

Gusto ko sana sumigaw ng...

Huwag ka sumama sa kan'ya!

Please stay, I need you.

I'm sorry.

Pero hindi ko magawa, para kasing namanhid ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang tinurok ng Doctor sa akin.

Pero ramdam ko ang luha ko na tuluyan ng tumulo...

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon