Hindi kami magkatabing natulog ni Keshelle, siya sa kama ko at ako nama sa sofa. Walang namagitan na ilangan sa aming dalawa matapos ang mangyari, at least I already know her side kung bakit grabe siya nakainom kanina. Gustuhin ko man matulog eh hindi ako makatulog kaya tumayo na muna ako at kumuha ng isang baso ng wine. Bumalik ako sa sofa at tanaw na tanaw ko mula rito ang maamong mukha ni Keshelle. Sana tulog na lang siya lagi, kapag kasi gising siya makikita talaga sa mata nito ang kalungkutan.
Napahawak na lang ako sa labi ko habang nakatitig sa mapupulang labi nito, ang lambot ng mga labing 'yan. Hindi katulad ng mga na-i-kama ko ng babae, masyadong malayo sa nararamdaman ko ngayon.
"Ano ba 'tong iniisip ko! Wala lang 'yong kanina, wala lang." saad ko sa aking sarili.
Napangiti na lang ako habang tinitignan siya na suot ang aking sando. Hindi ko alam pero bakit ang sexy ng babaeng 'to? Ang suwerte ng magiging kasintahan nito, pero pakiramdam ko hindi 'to mahilig sa relasyon kagaya na ng sabi niya kanina.
Just like me, hindi rin siya naniniwala sa happy ending.
Natigil naman ako sa aking pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cellphone.
Zachaos calling...
"Hey, napatawag ka? Gabing-gabi na." salubong ko sa tawag nito.
"Akala ko kasi uuwi ka ngayon, Sychea bought something for you." sagot naman nito.
"Ano kasi, may tinulungan akong kaibigan tapos dito siya natulog sa condo. Alangan naman iwan ko 'di ba?" sagot ko naman dito.
"A friend? Knowing you bro, sige baka napagod ka magpahinga ka na lang muna." tumatawang saad nito.
"Nababaliw ka na! Kaibigan lang kasi, ayaw maniwala." sagot ko rito.
"Babae o lalaki?" tumatawa pa ring saad nito.
"Babae," sagot ko sabay layo ng aking cellphone.
Alam ko kasi ang lakas tumawa ng Zachaos na 'to, lakas din ng trip eh.
"Babae? Oh common, sige na ibigay ko na lang sa iba 'yong pasalubong ni Sychea sa 'yo." sagot nito.
"Hep! No, uuwi ako bukas. Pupunta naman sila Tita 'di ba? Sabay na tayong mag-dinner, uuwi ako bukas. Namiss ko rin kaya si Sychea." pigil ko rito.
"Hindi ka niya namiss," natatawang sagot nito.
"Bastos ka talaga! Humanda ka talaga bukas sa pag-uwi ko." tumatawang saad ko rito.
"Sige na, tulungan ko pa si Sy eh." paalam nito.
"Zachaos, dahan-dahan lang..." saad ko rito sabay tawa.
"Huwag mo ako itulad sa 'yo bro," tumatawang saad nito at nagpaalam na.
Napailing na lang ako, mabuti na lang talaga at dumating ulit si Sychea sa buhay biya. Kasi kung hindi lublob 'yon lagi sa trabaho at hindi pa halos ngumingiti, iba talaga epekto ni Sy sa kan'ya.
Hindi ako naniniwala sa happy ending pero masaya ako sa kapatid ko dahil nakikita ko ang epekto ng pagmamahal sa kan'ya, akala ko pa nga maghihiwalay sila ni Sy eh. Ako ang nilalapitan noon kapag may mga pinagseselosan siya tapos wala siyang magawa dahil nasa America si Sy.
BINABASA MO ANG
Turner's Series 2: Fixing You (Completed)
RomanceHappy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waiting?