CHAPTER 1"The Questions"
"YOU KILLED HIM... YOU KILLED HIM"
"NO... NO.... NOOOOOO" napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang masamang panaginip, mali dahil sa isang masamang alaala na binabalik-balikan ako, alaalang hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko..."Im sorry... *sniff* Im sorry Dad..." I said at tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang aking mukha at umiyak ng umiyak... Napatigil lang ako sa biglaang pagtunog ng doorbell
*Ding dong....Ding dong...* sunod sunod na tunog ng doorbell kaya napabalikwas ako ng tayo nakasandal kasi ako sa headboard ng kama ko agad ko namang pinunasan ang mukha ko at pumunta sa sala para pagbuksan ang kung sino man iyon, sumalubong sa akin ang may ari ng apartment ko na nakataas ang kilay
"Kailan mo balak magbayad ng upa mo... Aber ang tagal mo ng hindi nag babayad..." Nakataas kilay nitong tanong habang nakapamewang
"Magbayad naman po ako pero hindi pa po ngayun kasi talagang kapos ako ngayon" pagpapaliwanag ko
"Sige pagbibigyan kita isang buwan lang... Dahil kapag lumagpas sa isang buwan at hindi ka pa nakakapagbayad pasensiyahan pero mag-alsa balutan ka na..." Sabi nito
"O...opo" tanging nasabi ko habang naka tungo dahil sa hiyang nararamdaman ko..... Pagkaalis ni Aling Cora ang may ari nitong apartment ay agad kong sinarado ang pintuan at sumandal dito
"Paano na ang gagawin ko wala pa naman akong trabaho at naloko pa ako kahapon haysss"
At the L Campus
Tumambay muna ako sa garden tutal maaga pa naman sa ngayon nakaupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno, medyo kakaiba nga ang punong ito eh kasi may hugis pinto ito......
Pero hindi ko nalang pinansin pa... may nakita akong paru-paro na dumapo sa isang bulaklak nilapitan ko ito at di alintana ang pwedeng mangyari ng ito'y mahawakan ko ay naging abo, at dinala ng hangin ang mga abo......
Nangyari nanaman, nanlumo ako at isa-isang nagpatakan ang aking mga luha dahil bumalik nanaman sa akin ang mga alaala noon
*BLAG* nagulantang ako ng may narinig akong nahulog"Awww" narinig kong hiyaw ng isang lalaki nanlaki ang aking mata hindi dahil sa nahulog siya kung hindi dahil natatakot ako na maaring nakita niya ang nangyari dahan dahan akong tumingin sa lalaking nahulog sa puno at nakita ko siyang nakahawak sa bench pangsuporta para makatayo....
Hindi siya nagsalita dahilan para lalo akong kabahan pero ilang saglit lang ay nag salita ito ng nakangiti
"Hi" sabi nito ng nakangiti at kumaway sa akin...
Pero hindi ako nakapag salita dahil nasa state of shock pa ako, Biglang may nag snap sa harapan ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad
"Hey are you okay?" He ask pero nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya biglang naglakad siya sa kaninang pwesto ko kung saan naging abo ang butterfly hinawakan niya ang natitirang abo sa bulaklak at muling nabuhay ang paruparo na ikinagulat ko tumingin itong muli sa akin at nginitian ako....
Pagkatapos ay pumunta sa bench at doon umupo
"Sino ka nga ba talaga John Lester Lee?" Bulong ko sa isip ko at tiningnan ko siya ng may pagtataka....
Siya ang tinuturing ditong "Lucent" it means light, ibig sabihin siya ang pag asa ng campus, dahil siya ang sinasali sa lahat ng competition, local or international, talented kumbaga, at bukod padoon, kinaiinggitan siya ng mga lalaki, at hinahangaan siya ng lahat ng mga babae dahil narin sa taglay nitong kagwapuhan, nakasalamin siyang malaki transparent na kulay gray na frame nito, hindi siya nerd, may magandang hugis ng mukha, medyo singkit ang mata, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, matangos na ilong, mapulang labi, malaman na cheek, at ang espesyal sa lahat ang kakaiba nitong mata na kulay gray
BINABASA MO ANG
SHADE ; The Prophecy
FanfictionShe only wanted was to live peacefully... and accept by her mother... but how can she get those if she had a power that can take all living in just her touch... for her that power was a curse that will make her life miserable and live like hell... ...