CHAPTER 9 "Trap"
Salamat sambit in Lester sa sarili nung oras na makalayo na siya sa lugar na iyon pero Hindi maalis sa isip niya ang pag aalala sa kanyang kaibigan pero naalala niya ang sinabi nito..."Bago pala ang lahat kung sakaling Isa sa atin ang matira... Pero gusto ko ikaw iyon... Gawin mo ang lahat para mapapayag mo ang witch.... At wag kang mag alala sa akin let me prove to you that I can be your saviour just this time" sambit nito sa kanya hindi parin siya makapaniwala na nakapag ingles na ang kanyang kaibigan pero natuwa siya dahil nagawa na ito ng kanyang kaibigan...
Noon pa man ay tiwala na siya sa kakayahan ng kaibigan... Napailing nalang si Lester at ginamit na ang kanyang Vampire speed minsan ay natutuwa rin siya sa isinumpa sa kanya dahil kahit papaano ay nakakatulong ito.... Napatigil siya sa isang lugar kung saan ay sobrang dilim ng kanyang hawakan ang nasa harap niya na kung titingnan ay parang pader o dead end na... Hinawakan niya ito at nahawakan niya ang mala lumot na pader nagbabaka sakaling may daan pa... Pero wala siyang makita Kaya lumayo siya ng kaunti at nagpalabas ng bolang liwanag sa kanyang kamay at itinira ito sa pader pero walang nangyari at tila hinigop ito ng lumot na nakapalibot sa pader
"Aisssh" naiinis na sambit nito sa sarili tumalikod siya doon at tiningnan ang paligid puro puno na at hindi na niya makita ang nangyayari sa kanyang kaibigan dahil sobrang layo na talaga niya...
Bigla naman na may kakaiba siyang naramdaman sa kanyang likod at napatalon ito upang umiwas sa kung ano man ang bagay na iyon napahiga pa ito sa sahig dahil sa pagiwas na ginawa niya nakita niya kung paano ibinalik sa kanya ang kanyang tira kung ganon hinihigop ng lumot ang bawat tira ng kalaban upang ibalik ito... Napangisi si Lester sa kanyang nalaman "tuso at matalino nga ang great witch" sambit ng binata sa sarili....
"Tama ka" isang tinig ng babae ang narinig niya Hindi mawari ng binata kung Saan nanggaling ang Boses na iyon kaya nagpalinga linga siya sa paligid
"Binata ano ang dahilan ng iyong kapangahasan para maglakas ng loob na pumasok sa aking teritoryo..." sambit pang muli ng isang boses...
"Nais ko lamang humingi ng kagamitan na makakatulong sa aking kaibigan" matapang na sagot ng binata
"Hahahahaha... Matapang ka binata... At anong kagamitan ang nais mong hingin?" Tanong pang muli nito sa binata
"Isang kagamitan na maaring makapagtago ng kapangyarihan ng aking kaibigan" sagot muli ng binata habang palinga linga dahil Hindi niya alam kung nasaan ang kanyang kausap
"Sabihin mo anong kapangyarihan ng iyong kaibigan?" Tanong pang muli ng boses
"Kapag hinahawakan siya o nahahawakan niya ang lahat ng may buhay ay nagiging abo ito... At yun ang nais kong maitago upang maranasan niyang hindi matakot na maaring makapahamak nanaman siya" sagot naman ng binata
"Sabihin mo binata sino ba para sa iyo ang kaibigan mo impossible namang ang binatang kasama mo ang tinutukoy mo... Tama?" Pero Hindi nakapag salita ang binata
"It means that she know that Im not alone here... And it isn't Imposible that she also know my feelings..." Bulong ng binta sa sarili niya
"Pero ano ang kapalit ang maibi-bigay mo sa akin"muli ay hindi nanaman nakapag salita ang binata dahil basta lamang silang sumugod dito ng wala manlang na kahit anong dala...
"Wala... Kung Ganon ay hindi ko maibibigay sa iyo ang iyong hiling"sambit ng boses na nagpagising sa diwa ng binata
"B... Buhay ko ang kapalit ng aking hinihingi" sagot ng binata na ikinatuwa ng great witch
"HAHAHAHAHHAHAH sigurado ka na ba sa hinihiling mong kapalit?" Paninigurado nitong Tanong sa binata...
BINABASA MO ANG
SHADE ; The Prophecy
FanficShe only wanted was to live peacefully... and accept by her mother... but how can she get those if she had a power that can take all living in just her touch... for her that power was a curse that will make her life miserable and live like hell... ...