CHAPTER 7 "New Heartthrob"
Lester's POV
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana....kahit bampira ako ay kailangan ko din ng pahinga...
Napagdesisyunan ko na bumangon na at dumiretso sa Cr para maligo maya-maya pa naman ang pasok ko pero nag uniform na ako... Pagkatapos ay lumabas na naabutan ko si Aster na kalalabas lang din ng kwarto niya napatingin ito sa akin at nilapitan ako
"Para Saan naman ang suot mo?" Tanong nito habang tinuturo ang uniform ko
"Uniform ang tawag dito... Papasok ako para mag Aral" sagot ko at tumango naman siya
"Maaari ba akong magsuot ng ganyan nais ko din mag aral sa inyong paaralang tinutukoy" sabi ni Aster tumango ako at iniabot sa kanya ang damit
"Sige na maligo ka na..." Sagot ko at agad naman siyang bumalik sa kwarto niya pero bago niya buksan ay muli na naman niya akong tinawag kaya hinarap ko siya
"Saan ako maliligo?" Inosenteng tanong nito habang kakamot-kamot ng ulo..kaya pinuntahan ko siya itinuro ang banyo sabon, shampoo pati narin ang tuwalya
"Pihitin mo lang ito at mabubuhay na ang shower " sagot ko bigla namang nagulat si Aster at tila nakakita ng multo ng biglang nabuhay ang shower
"Anong klaseng kapangyarihan ang meron sa bagay na iyan... Pakiramdam ko ay ito ang papatay sa akin" sagot niya na halatang kinakabahan sa nakikita niya
"Hahahahahhahaha baliw walang masamang balak sa iyo ang bagay na iyan wag kang mag-alala pft" sagot ko habang nagpipigil ng tawa nakakatawa kasi ang reaksiyon niya...
Matapos kong iexplain sa kanya na hindi siya papatayin ng shower ay umalis na ako pero bago ko tuluyang masara ang Pinto ay narinig ko pa ang sigaw niya...
"Waah anong klaseng bagay ka... Humanda ka sa akin" sigaw nito
"Wag kang gagamit ng salamangka Aster" sigaw ko
"Pasalamat ka kaaway dahil ipinagtatanggol ka ng aking kaibigan" narinig ko pang sagot nito at tuluyan ko nang sinarado ang pinto habang nagpipigil ng tawa
Matapos ng eksenang iyon ay pinuntahan ko ang kwarto ni Shade pero pagbukas ko ay wala na siya, may sulat naman akong nakita sa kama at sigurado akong galing iyon kay Shade
"Lester maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo... Malaking utang na loob ko sa iyo wag kang mag-alala makakabawi rin ako... Pero ngayon pagtiisan nyo muna ang niluto ko pero wag kang mag alala masarap yan walang lason PROMISE" natawa nalang ako sa sulat niya inemphasized pa talaga niya ang promise hahaha pero pinagluto nya kami ng almusal
*you don't need to repay back...by letting me love you is enough for me...* sagot ko sa isip ko kinuha ko ang sulat at ibinulsa...
**********************************
At the L Campus"Lucent ganito ba ang pagkakaayos ng damit na ito?" Tanong sa akin ni Aster at tinanguan ko siya mabilis lang naman siyang matuto dahil madali lang niyang natutunan kung paano mag ayos ng necktie ahh nga pala ang uniform ng L campus para sa lalaki naka white long sleeve pero sa dulo ng manggas ay may pagkaitim pati sa laylayan, may necktie din na kulay itim at may blazer tapos itim na khaki sa babae naman ay white long sleeve na may kulay itim rin sa dulo ng damit at sa manggas wala silang Necktie pero may gold pin sila sa kaliwang dibdib na hugis shield at may lion sa loob na nakanganga ganun din naman sa amin ang kaso para naman siyang hairpin na nakakabit sa necktie at nakadikit yung lion doon... Ang palda naman nila ay above the knee na kulay black pero my L sa right side ng palda naka blazer din sila katulad nang sa amin ahh sa blazer namin ay may nakatatak na LC nakatahi lang iyon at kulay white... black kasi ang kulay ng Blazer kayo na bahalang mag imagine kaya niyo nayan
Habang naglalakad ay madami nang babae ang nakatingin at hidi ko nalang pinapansin samantalang si Aster ay kanina pa bubulong-bulong*ano ba namang mga babae ito* narinig kong bulong niya at hindi na pinansin pa... Hanggang sa makarating na kami sa classroom namin kaklase ko si Aster baka mameligro ang eskwelahan ko pag hindi ko nababantayan si Aster... Hanggang sa pag upo ko ay rinig ko parin ang bulungan ng mga babae
"My god he's so handsome... Crush ko na siya" sabi ng isang babae
"Oo nga girl ehh... new heartthrob in our campus" tili naman ng Isa pang babae samantalang si Aster ay bwisit na bwisit...
"As..." Tawag ko sa kanya katabi ko lang naman siya ehh tumingin ito sa akin at itinuro ang sarili tumango naman ako bilang sagot
"Buksan mo ang bag mo" utos ko na sinunod naman niya may inilabas siyang cellphone sa bag pati headphone na kulay green
"Ano ang mga ito?" Tanong niya ipinakita ko sa kanya ang phone ko pati headphone ko nakakunot noo naman siyang napatingin doon ipinakita ko sa kanya kung paano Iyon gamitin at mabilis naman siyang natuto ginamit nalang niya iyon at tumungo samantalang ako ay nasa batok ko lang ang headphone habang patingin-tingin sa pathway baka sakaling makita ko siya madadaanan kasi ang classroom namin... Pero wala akong nakitang Shadelyn hanggang sa dumating na ang aming teacher
**********************************
Natapos ang klase namin na napapagalitan kami dahil nahuhuli kami ni Aster na nagdadal-dalan tanong kasi ng tanong si Aster ehh at hanggang sa canteen ay tanung parin siya ng tanong
"Ano naman ang tawag dito?"
"Cafeteria" maikling sagot ko
"Hmmm" sagot niya habang natango tango
"Classroom, teacher o maestra o guro at cafeteria" paulit ulit niyang sabi... kanina hanggang guro lang yan pero dahil alam na niya ang cafeteria ay isinama na rin niya iyon
"Classroom, teacher o maestra o guro cafe..." Pinutol ko na kung ano man ang sasabihin niya dahil naiirita na ako para kasi siyang sirang plaka hanggang pagbalik ng classroom ay yan parin ang sinasabi niya...
"Bakit hindi ko ata Nakita si Shadelyn?" Tanong ni Aster
"Hindi ko nga rin alam ehh" sagot ko
"OKAY CLASS PREPARE A SHEET OF PAPER WE HAVE A QUIZ...And also I heard that theirs a new transferee here Mr can you introduced you're self here in front" ma'am Gi said siniko ko naman si Aster dahil nagsasalita parin ito about sa kanina napatingin naman ito sa akin ng nagtataka
"Magpakilala ka daw" sagot ko habang nginunguso ang unahan nagets naman niya kaya tumayo siya sa harap haysss patay wala nga pala siyang alam tungkol sa ingles *Paktay*
"Mr introduced you're self" ms Gi said while gesturing
Napakamot naman ang ulo niya dahil hindi niya iyon naintindihan samantalang naghihintay ang lahat sa kanyang pagsasalita
No choice I use my power to stop the time at lumapit ako kay Aster gumalaw ito at tiningnan ako ng may pagtataka
"Ang iyong bilin ay huwag gumamit ng mahika ngunit..." Pinutol ko na ang kung ano man ang sasabihin niya at ibinigay ang papel na may sulat kung paano niya iiintroduce ang sarili niya... Binasa niya ito pero medyo nauutal kaya tinuruan ko pa siya kung paano basahin iyon kailangan na naming bilisan dahil limitado lang ang pagpapatigil ng oras agad akong bumalik sa aking upuan at naupo gumalaw na ang lahat dahil wala na ang epekto ng mahika ko
Ngumiti si Aster at nag pakilala
"I am Aster Delfuerte... 19 years old..." Sagot nito at umupo na naghiyawan naman ang mga kaklase kong babae
"Kyaaaaaaah ang pogi niya at ang ganda ng boses niya" sigaw ng isang babae sa harapan at ang ibang babae ay kinikilg din... Nagsimula ng magklase si Ms Gi at nakinig na ang lahat nakinig naman ng mabuti si Aster at mukhang disidido siyang matuto... Natapos nalang ang klase namin ng hindi nakikita si Shade
"Maaari ba tayong pumunta ng silid aklatan " pagpapaalam ni Aster sa akin tumango ako at naglakad Habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang dalawa kong kamay... sumunod lang sa akin si Aster hanggang sa makapasok na kami sa library
"Ang ganda" sambit ni Aster
"Shhhhh" pagpapatahimik naman ng librarian sa kanya ginaya niya ito pero sa akin nakatingin
"Tsssssk" sagot ko nalang pumunta ako sa pinakang dulong lamesa wala kasing tao doon at umupo sumunod naman sa akin si Aster
kumuha muna ako ng dictionary na Tagalog-English at ibinigay iyon kay Aster nagtataka man ay tinanggap na niya at binasa ng tahimik samantalang tumungo nalang ako at umiglip
BINABASA MO ANG
SHADE ; The Prophecy
Fiksi PenggemarShe only wanted was to live peacefully... and accept by her mother... but how can she get those if she had a power that can take all living in just her touch... for her that power was a curse that will make her life miserable and live like hell... ...