Chapter 32 "King Zulib "
Mula sa kaharian ng Mage empire ay nakaupo ang isang lalaki sa kanyang trono habang makikita sa mukha nito ang tuwa... Tuwa sa lahat nang nangyayari sa mundo ng mga mortal...
"Kumikilos na pala si Prinsesa Merlin" nakangising tugon ng hari habang matamang nakatingin sa tubig na nakalagay sa bilog na bato sa kanyang tabi... Kung saan ay makikita ang lahat ng nangyayari sa mundo ng mga mortal
"Mahal na hari... Ano po ang ating sunod na gagawin?" Tanong ng isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng bato na may tubig habang hawak ang isang mahabang kahoy na nakalagay sa bato...
Lalo namang nasayahan ang hari ng makitang tila nawawalan na ng pag asa ang mga taga pangalaga ng itinakda...
"Maari ka nang umalis at dalhin ang bagay na iyan" tukoy nito sa batong nay tubig... Agad namang nagbugay gakang ang matanda hababg dahan dahang kinuha ang bagay na iyon at agad na lumabas...
"Nakikita mo ba ang nangyayari sa kanila.... Hindi Ba't napakagandang panoorin ang mga mukha nila na mga nag aalala at tila nawawalan ng oag-asa" nakangising sambit ng hari sabay kuha sa kwintas na nakasabit sa kanyang leeg...
Isa itong emerald stone na kulay pula na mula pa sa kaharian ng Pyr kingdom... Madalas itong gamitin kung may nais silang ikulong sa loob nito...
"Baliw ka na..." Isang galit na boses ang nag mula sa kwintas na lalo namang nag pasaya sa hari...
"Hahahahaha... Baliw?.... Ipapakita ko sa iyo kung ano ang kaya ng isang baliw...." Seryosong sambit ng hari habang matamang nakatingin sa kwintas...
"Hindi ko hahayaan na gumawa ka pa ng kasamaan gamit ang aking katawa" sambit muli ng boses na nagmula sa kwintas
"Hahahahahahahha... Ikaw pipigilan ako... Paano?... Paano mo gagawin iyong kung hindi ka naman makawala sa kulungan mo" mapanuyang sabi ng hari habang hindi mawala-wala ang ngisi niti sa labi...
Paano nga naman nito mapipigilan ang kasamaan ng hari kung hindi naman siya makawaka sa kanyang kinalalagyan....
"Sa oras na makawala ako dito... Zendrel... Ako ang papatay sa iyo" may pag babantang sambit ng boses na nag pawala sa ngiti na nasa mukha ng hari...
"Zendrel... Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi na ako si Zendrel ako ang bagong hari ng Mage Empire... Ako si Zulib ang pinaka malakas na Sorcerrer sa bung mage world" may pag mamalaking sambit ng hari na tila kumukiskao ang mga mata dahil sa kanyang papuri sa sarili
"Hindi ikaw si Zulib at kahit kailan hinding-hindi ka magiging ako... Tandaan mo yan... Kapatid ko katawan ko lang ang gamut mo subalit kahit kailan ay hindi mo matutumbasan ang kakayahan ko kahit nakawin mo pa ang katawan ko" may diin na sambit ng boses na nag pagalit sa hari ng labis...
"Wala kang karapatan na pag salitaan ako ng ganyan... Tandaan mo hawak ko ang buhay mo... At tandaan mo kahit makawala ka sa iyong kulungan wala ka nang babalikan... Dahil simula nang kumampi ka sa dating hari ng Mage ay hindi ka na nabibilang pa sa mundong Ito" galit na galit na hasik ng hari na tila nag aapoy ang mga mata dahil sa puot na nabubuo sa kanyang dibdib
"Baki?... Bakit ka nagkaganyan kapatid ko?" Malungkot na tanong ng boses na mula sa kwintas na suot ng hari
"Alam mo ang sagot sa tanong na iyan... Mahal kong kapatid" nakangising sambit ng hari habang makikita parin sa mukha niya ang galit...
Galit sa kanyang kapatid na hanggang ngayon ay nabubuhay at nag liliyab sa kanyang damdamin... Hindi niya matanggap na siya pa ang naging malakas sa kanilang dalawa kung tutuusin siya ang pinaka malakas sa kanilang dalawa....
At mahina ang kanyang kapatid... Simula pag kabata ay siya ang pinipili ng kanilang magulang kahit pa nalaman nila na isa itong traydor sa kanilang pamilya siya parin ang nais nilang makita.
"Isa kang sumpa para sa akin... Sana hindi ka nalang nabuhay..." May poot na sambit ng hari at madiing hinawakan ang kwintas
"Inggit.... At poot ang itinatanim mo sa iyong puso kaya ka nag kakaganyan... Kaya ba? Kaya ba pinatay mo ang sarili nating magulang at pati ang matalik Kong kaibigan ay idinamay mo..." May pighating sambit ng boses mula sa kwintas
"Kukuhain ko ang lahat ng na sa iyo... Kahit pa ang pinaka mamahal mong babae" nakangising sambit ng hari
"A... Anong ibig mong sabihin?" Hindi mapakaling tanong ng boses
"Ilabas ang babae" utos ng hari sa kanyang mga tauhan mula sa labas... Hindi nag tagal at biglang nagbukas ang malaking pinto at pumasok doon ang kanyang dalawang tauhan na may bitbit na babaeng tila hindi na makatayo dahil sa panghihina....
"Mahal na hari... Siya po si Amanda ang kasintahan ng iyong kapatid" pag papakilala ng kanyang tauhan sa babaeng nakaluhod sa harap ng hari...
Napangisi naman ang kamahalan at tumayo sa kanyang kinauupuan... Bahagyang umupo upang pantayan ang babaeng hinihingal dahil sa pagod at uhaw... Kanyang hinawakan ang makinis na mukha ng babae na kasing edaran lang din niya
"Napaka ganda... Ang isang bibibining katulad mo ay dapat pinag sisilbihan at hindi pinapahirapan" nakangising sambit ng hari at itiningala ang mukha ng babae at hinarap sa kanya... At nang magtapat ang kanilang mukha ay nanlaki ang mata ng babae
"Ma... Mahal ko" nanghihinang sambit ng babae na nag palawak ng ngiti sa hari... Tila natutuwa sa kanyang nakikita...
Ngunit hindi parin maalis ang galit sa kanyang puso..... Ang pag mamahal na nakikita niya ay hindi pala talaga sa kanya kung hindi sa kanyang kapatid Kay Zulib... Oo nga't nakuha niya ang nais niya sa katauhan ng kapatid subalit hindi niya mapapaltan o mababago na ang babaeng nasa harap niya ay mahal ang kanyang kapatid na kanyang sobrang kinamumuhian
"Linisan siya at bihisan ng magandang damit... Pag katapis ay dalhin siya sa aking silid.... Mag tiwala ka sa kanila mahal ko" nakangiting sambit ng hari na tila naging isang malabing na kasintahan tumango naman ang babae at sumama sa mga kawal ng inaakala niyang si Zulib kasunod nito ay ang pag sara ng pinto
"Hayop ka... Zendrel.... Wag mong idamay so Amanda" galit na sigaw nito sa kapatid na may ngisi sa kanyang labi
"Hindi ba't isa itong magandang regalo para sa iyo kapatid ko... Ang angkinin ang ang babaeng mahal mo" nakangising sambit ng hari sabay bitaw sa kwintas"Hayop ka... Wag si Amanda.. Wag..." Nangagalaiting sambit nito sa kapatid hanggang sa hindi na siya marinig ng kanyang kapatid sapagkat nabalutan na Ito ng makapal na harang upang hindi na marinig ang kanyang boses sa labas...
Mahinang napaupo si Zulib habang tuloy-tuloy ang pag tulo ng kanyang luha... Hindi niya matanggap na nagkagato ang kanyang kapatid... At lahat ng mahal niya ay kinukuha nito... Ang kanyang matalik na kaibigan pati ba naman ang kanyang kasintahan....
"Ama... Nais kong maging katulad mo..." Nakangiting sambit na batang babae sa kanya habang nakayapos sa kanyang baywang
"At wag ka pong mag alala ako ang mag babantay sa prinsesa natin" sambit naman ng batang lalaki na matanda lang ng isang taon sa batang babae
"Hahaha... Oo na mga anak ko bantayan ninyo ang inyong ina.. Lalo ka na ikaw ang panganay" turo nito sa anak na lalaki na masaya namang tumango
"Ang mga anak ko... Nasaan na kayo... Nangungulila na ako sa inyo... Amanda sana... Sana makita mo na isang impostor ang kasama mo... Mahal ko kailangan ka ng mga anak natin.... Kailangan ka ni Aster" sambit ni Zulib habang tahimik na nakaupo at patuloy ang pag luha ng kanyang mata.....
BINABASA MO ANG
SHADE ; The Prophecy
Hayran KurguShe only wanted was to live peacefully... and accept by her mother... but how can she get those if she had a power that can take all living in just her touch... for her that power was a curse that will make her life miserable and live like hell... ...