CHAPTER 3 "His Side"

2 0 0
                                    

CHAPTER 3 "His Side"

Lester's POV
I am Jhon Lester Lee also known as "Lucent" siguro naman Alam nyo na ang meaning nito diba ah back to the story
Just like what I've said yes I'm a sorcerer and Faye too I can't say that I'm in a good or bad side.... Madami kasing pwede pang mangyari at kung ano yun hindi ko alam.......
And about sa kiss I maen it..... Yes i do..... Hahahahahah ang totoo niyan I like her from the start lagi pa niyang nire-reject ang feelings ng lahat ang at first I thought she has a boyfriend pero nung nakita ko siya sa garden sobrang natuwa ako nagulat nga ako sa nangyari sa paro-paru pero napamali ang tapak ko kaya nahulog ako and then it all happened nung nakita ko siyang natutulog sa room habang nakasandal ang ulo niya sa bintana at nag iisa nalang siya, may nakita akong babaeng nakasuot ng royal dress at naka korona pa ito hinahawakan nito ang mukha ni Shade nakita ko si Shade na parang may sinasabi pero hindi ko marinig para bang nananaginip siya kaya Dali dali ko siyang pinuntahan
"Shade" pagkasabi ko nun ay napaharap sa akin ung babaeng naka royal dress tila nabato ako sa kintatayuan ko ....... Hindi ito maari... ito ang namayapang reyna bakit siya naandito bigla itong naglaho sa harapan ko at ginising ko si Shade hindi ko nalang sinabi sa kanya iyon dahil baka lalo lang siyang maguluhan ngunit hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin ang biglang pagsulpot ng reyna at kay Shade pa...... Hindi kaya......I have to know if its true...Wala kasing nakakaalam kung bakit biglang namatay ang reyna halos magwala ang hari ng pagbalik niya mula sa digmaan ay patay na ang kanyang pinakamamahal, halos ipapatay niya ang lahat ng mga kriminal na mga sorcerer para lang makuha niya ang hustisiyang kanyang hinahanap, dahil sa nangyaring iyon humina ang barrier na ginawa ng reyna para hindi sila masugod ng mga black sorcerer's nanghina ang hari dahil sa kanyang asawa lang siya kumukuha ng lakas kung sa mga vampire's at werewolves ay may mate ganun din sa mga sorcerers ang pinagkaiba lang ay agad na napapalagay ang bawat isa sa mate nila kayat mabilis silang maging close....
Napuno ng kadiliman ang kaharian ng white sorcerer's, pinugutan nila ng ulo ang hari sa harap mismo ng mga nasasakupan nito.... Hindi makapaniwala ang lahat na bigla nalang nila napatay ang isang legendary sorcerer.... Ngunit walang nagawa ang mga sorceres kayat nagbigay sila dito ng paggalang dahil ito na ang magiging hari. Nawala ang matingkad na kulay ng kaharian ang Dating puno ng saya ay napuno ng kalungkutan at pighati, dating puno ng pagmamahalan, pagkakaisa, at pag bibigayan ay napuno ng poot, ganid at mga walang pakialam sa isat-isa, ang kaharian na dati ay halos magkakaibigan pero ngayon sila na ang nag-aaway at nag-papatayan.... Para saan?........

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Para sa kalayaan, kalayaan ng mga sorcerer na pinahirapan at hustisya para sa mga namatay..... Pati narin sa pagkamatay ng hari at reyna ng Mage Empire yan ang tawag sa kaharian na puno ng pagmamahalan ngunit dahil sa Mga black sorcerer's na pinamumunuan ni Zulib ang dating kaibigan ng hari at reyna na ngayun ay tinuturing na traydor ng Mage Empire...... Dahil sa pagkalunod niya sa kapangyarihan miski sariling kaibigan ay pinaslang niya...... lalong naging malala ang kanilang pagaaway ng hari dahil sa isang babae si Queen Vian ang asawa ni King Jasper...... Halos maiinggit si Demmon Zulib dahil sa iginagalang ang hari sa Empire at yun ang lalong nagpasiklab ng kanyang galit at pagkamuhi sa hari..... Paano ko nga ba ito Nalaman simple lang pinalaki ako ng isang sorcerer isa akong half vampire.... Hindi ako yung vampire na masasabi mong legendary ordinaryong bampira lang ako.... Tinuruan lang akong magpagaling at bumuhay ng patay na ngunit hindi ng tao kundi mga hayop lamang ang kaya kong buhayin..... Isinalin din sa akin ng sorcerer ang kapangyarihan niya bago siya mamatay..... Isa sa dahilan kung bakit hindi ako tinatablan ng kapangyarihan nya ay dahil patay na ako yes... buhay ako physicaly pero hindi na tumitibok ang puso ko nakakahinga ako Hindi dahil sa hangin kung hindi dahil sa sarili kong paraan...... Isa akong sinumpang bampira...... Ang totoo nga niyan dapat patay na ako dahil noon pa ako nabubuhay pero isinumpa ako ng isang black sorcerer na mabubuhay ako pero hindi bilang pangkaraniwang tao..... And doon ko nakilala si tatang Lito siya ang kumopkop sa akin at nagbigay ng kapangyarihan halos manghina ako dahil sa pag eensayo ko na macontrol ang kapangyarihan ko...... Paano ko nga ba nakilala si Shade..... Highschool siya ng nakilala ko siya noon pa man mailap na siya sa iba kaya hindi ako makalapit sa kanya hindi ko halos malapitan siya, sikat din siya nung highschool mabait siya maganda at matalino pero kahit ganun hindi siya nakipagkaibigan ni hindi nga siya mahawakan ng kahit na sino dahil talaggang umiiwas siya, mas gusto niyang mag solo kesa maki grupo sa iba.......
Hanggang sa nag college kami nakikita ko siya lagi sa garden na lagi ko rin namang tambayan hanggang sa nakita ko ang nangyari sa paru-paro medyo nagulat pa nga ako nun eh, Pero natuwa naman ako nun kasi yun na ang chance ko na makausap siya at hindi naman ako nagkamali and then it all happens ...... For a reason....... Hahahahha.......
And about sa information na nalaman ko tungkol sa Sorcerers dahil lang naman sa umampon sa akin na si Tatang Lito isa siya sa mga guardian ng mga royal blood sorcerers siya ang naatasan na mangalaga sa reyna kasabay ng pagkamatay ng reyna ang kanyang pagkamatay...... Dahil siya ang lumaban at nagtanggol sa reyna pero hindi iyon alam ng hari Kaya nung araw na nawala ang reyna ay yun din ang araw na pinahanap siya para patayin..... Dumating siya sa aming tahanan na nanghihina Naabutan ko siya na ginagamot ang sarili at namumutla At kahit hindi pa magaling ang sugat niya ay pilit niyang hinanap ang reyna, matapos ang isang buwan ay hindi na nakabalik si tatang lito......
Nung araw ding yun ay sumugod ang mga kawal ng hari dahil kay tatang lito at dahil wala siya ay ako ang dinala sa hari pinahirapan ako nito...... Ngunit hindi ko alam kung nasaan Si tatang lito
"Ikaw dayo nasaan si leandro sabihin mo" galit na sambit ng hari
"Katulad mo m-mahal na hari hindi ko rin alam dahil hanggang ngayun ay hindi pa siya nakakabalik *cough* da-dahil hinahanap niya ang reyna kahit kailan *cough* wala siyang sinabi sa akin kung saan siya pupunta o ano ang nangyari sa reyna" paliwanag ko kahit nahihirapan ako.....
"Bampira.... Siguraduhin mong totoo ang sinasabi mo...."
"A-ama ano ang nangyayari?" Tanong ng isang batang babae na naka bestidang puti at may tiara sa ulo wari Koy ito ang prinsesa maputi ito matangos ang ilong at kulay asul ang mata.... Unang kita ko palang sa bata ay may kakaiba na akong naramdaman tila tumaas ang mga balahibo hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng pakiramdam ang naramdaman ko sa presensiya niya.... Matapos ng eksenang iyon ay pinalaya ako at tumira ako malayo sa Mage Empire at matapos niyon ay wala na akong balita nakita ko nalang si Tatang Lito na nanghihina at puro sugat
"Lester ang reyna " sabi nito habang buhat ang reyna hindi ko alam ang gagawin ko kayat binuhat ko ang reyna papasok sa aming tahanan
"A... Ano ba talaga ang nangyayari?" Naguguluhan kong Tanong,
"Hindi ko alam.... Nakita ko na lamang siya sa dark forest na nanghihina..." Sagot niya kahit na nanghihina
"P-pilit ko siyang inilayo sa lugar na iyon ngunit madaming black sorcerer ang nakakalat.... Nakipag Laban ako sa kanila habang hawak ko ang reyna.... Subalit sadyang napakalakas nila naubusan ako ng kapangyarihan kaya natatamaan nila ako....... Ginamit ko na ang transmission box para makalabas ng dark Forrest..... Dahil sa nanghina ako kaya hanggang doon lang ang narating namin...." Paliwanag niyang muli tumango nalang ako
"Dalhin mo ang reyna ng palihim sa kanyang silid.... H-hindi dapat malaman ng hari ito...."
"B-bakit?" Nagtatakang tanong ko ngunit nanatili siyang tahimik kaya't hindi ko na siya muling kinulit....
"AAAAAARGH" biglang sigaw ni Tatang at namilipit sa sakit
"Ano po ang nangyayari?" Nagaalala kong tanong
"Ihatid mo na siya habang maaga pa..." Utos nito habang tinitiis ang sakit nagdurugo na kasi ang tagiliran niya
"Ngunit kailangan mong magamot agad" sabi ko "Intindihin mo ang aking inuutos" sabi nito kaya agad akong umalis habang buhat ko ang reyna ginamit ko ang bilis ko bilang bampira wala pa sa ngayon ang hari sapagkat siya ay nasa digmaan ngunit maya maya lang ay naandito na siya...agad ko siyang inihiga sa kanyang kama ngunit akoy nagulat dahil bigla itong nagsalita
"Salamat" narinig kong sabi ng reyna
"May pag asa pa po kayong mabuhay kung...." Biglang pinutol ng reyna ang aking sasabihin
"Kung ano man ang gagawin mo ay hindi maaari" sabi nito
"Ngunit yun nalang ang tanging paraan para mabuhay ka" sagot ko
"Hindi pwede....kung nais mo akong matulungan Maari mo bang ibigay ang kwintas na ito sa itinakda" sabi ng reyna at iniabot sa akin ang kwintas na may paru-parong pendant na kulay abo tumango ako bilang sagot...
Hinawakan ng reyna ang aking mata at may kakaiba akong naramdaman
"Ang mga mata mo ang magsisilbing daan para mahanap mo ang itinakda" sabi nito ng nakangiti "at sa oras na naibigay mo na sa kanya ang kwintas maari mo ba siyang turuan sa paggamit ng kanyang kapangyarihan..." Utos nitong muli kaya akoy tumango
Tatayo na sana ako para Pumunta sa prinsesa ay pinigilan niya ako
"H-hindi siya ang itinakda" pigil nito sa akin tiningnan ko siya ng may pagtatanong sa aking mukha
"Hindi siya ang itinakda na maging tagapaligtas... Dahil itinakda siyang maging dahilan para lalong malagay sa peligro ang kaharian " paliwanag nito
"Imposible... pero bakit?" tanong ko
"Dahil hindi namin siya anak ng hari nakita lamang namin siya sa kagubatan kung saan ay nangangaso ang aking asawa... Naawa kami sa bata kaya inampon namin siya... Pero Mali ang ginawa namin dahil ang sabi sa propesiya siya ang magiging dahilan kung bakit lalong malulugmok sa kadiliman ang kaharian" paliwanag niya "kaya't nakikiusap ako sa iyo hanapin mo ang itinakda" sabi muli ng reyna
"Arghhh" hiyaw nito sa sakit
"Umalis ka na" sabi nito
"Umalis ka na" sabi nito dahil may narinig na kaming yabag na galing sa labas
"A-alam ba ng hari ito?" Tanong ko alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko maiwasan ang magtanong, biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ng reyna pero bago iyon mabuksan ay nakalabas na ako agad akong bumalik sa aming tahanan nakita ko si tatang Lito na may inaayos
"Oras na" agad nitong sabi sa akin pinaupo niya ako sa isang bangko na nasa gitna ng isang bituin na kulay dilaw itoy kasing liwanag at init ng araw matapos kong maupo ay may binigkas na spell ang matanda naging mabigat ang pakiramdam ko at nanghihina ngunit sa kalooban ko tila may lakas na dumadaloy sa aking katawan pagkatapos ng nangyaring iyon ay nakita ko si tatang na tumalsik at wala nang malay biglang nagliwanag ang paligid... Naramdaman ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa damo hanggang sa nawalan ako ng Malay nagising nalang ako na nakahiga sa isang marangyang kama kulay puti at itim ito ngunit nangigibabaw ang kulay na puti nung araw nayun nakilala ko ang mag asawang Mr and Mrs Lee sila ang nag aruga sa akin dahil wala silang anak ay inampon nila ako at itinuring na isang tunay na anak dahil narin sa katandaan nila kaya silay namatay ako ang nagmana ng lahat ng ari-arian nila
REALITY
Nagpapasalamat ako sa kanila sobra kaya Pinangalagaan ko ang ari-arian nila at lalo ko pang pinalago ito nakapagpatayo din ako ng paaralan at ito yun ang L Campus.....
Napatingin ako sa kwintas na bigay sa akin ng reyna at inalala ang huli naming pag-uusap
"Oo alam ito ng hari siya mismo nais makita ang itinakda ngunit bigo siya dahil hinaharangan siya ni Zulib...Nais ko ding ilayo mo ang Itinakda kay Prinsesa Merline dahil magiging delikado ang buhay ng itinakda sa kanya... Noon pa man Alam ko na mangyayari ito ngunit mas pinili kong hindi ito sabihin dahil ayokong mapahamak ang hari kaya nakikiusap ako sa iyo hanapin mo ang itinakda Dahil siya ang magbabalik ng liwanag sa kaharian sa kabila ng dilim
dilim na nasa loob niya pakiusap magsilbi kang liwanag sa buhay niya"
Yan ang sinabi sa akin ng reyna bago ako umalis
Mahal na reyna sa palagay ko nahanap ko na ang itinakda at darating ang araw na ibabalik niya ang dating kulay ng Empire Sabi ko sa isip at ngumiti ng matamis

"I will be the light to her life that full of darkness I will guide her and protect her even if I have to sacrifice my life"
~J.L.L

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon