CHAPTER 11 "Anger"

1 0 0
                                    

CHAPTER 11 "Anger"

Shade's POV

Pagkagising na pagkagising ko ay sobrang namamaga ang mata ko kaya tumingin ako sa salamin

"Shit namamaga ang mata ko" sabi ko...

Haysss dumiretso nalang ako sa banyo at naligo may pasok na kasi...

Pagkatapos kong asikasuhin ang sarili ko ay isinukbit ko ang bag ko at bumaba na... Naabutan ko sila Aster na kumakain didiretso na sana ako palabas kaso napansin na ako ni Aster

"Shade kain ka na" pag aalok ni Aster sa akin

"Aaaah.. Hindi salamat nalang" sagot ko at ngumiti ng pilit tsaka dumiretso palabas at hindi na pinansin ang sasabihin ni Aster...

Kasi ang sakit lang na hindi niya ako pinapansin... Im just nothing for him... Yeah right saktan mo pa ang sarili mo Shade... Obvious naman na ayaw niya sayo.... Pagkalabas ko ng gate nila ay doon na tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan....

Pinupunasan ko naman pero parang sirang gripo ang mata ko ayaw tumigil sa pag agos... Nakakainis... Ang tanga mo shade bakit mo pa kailangang umiyak... Kung wala siyang pakialam sa iyo... Edi dapat ganun ka din... Pero hindi ko kaya... Masakit para sa akin na magpanggap na hindi ko siya kilala, na wala lang siya sa akin... Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya... Mali ba ang magmahal ng ganto kabilis... Pero wala ehh hindi naman madidiktahan ang puso kung kailan ka pwedeng ma inlove... Ang unfair niya kung kelan tanggap ko na sa sarili ko na mahal ko na siya atsaka pa nangyari ito... Puro pagpapanggap lang ba yung pinakita niya sa akin... Naaawa ba siya sa akin kaya ganun siya...

At ako naman si tanga... Naniwala sa gagong katulad niya... Bulong ko sa sarili habang marahas ko na pinupunasan ang mata ko.

Bigla naman akong natumba dahil may nabunggo ako.

"Hey a-are you alright?" Tanong ng kung sino sa akin pero hindi ko siya pinansin sa halip lalo akong humagulgol ng iyak dahilan para mataranta siya.

Someone's POV

Nagulat nalang ako ng may bigla akong nabangga... Dahil sa lakas ng impact ay natumba ang babae at dahil lalaki ako ay siya lang ang pinaka nasaktan.

"Hey... Are you alright?" Nag aalala kong tanong sa kanya habang tinitingnan siya.

Nagulat nalang ako ng bigla itong humagul-gol kaya nataranta na ako... Teka masakit ba yung pagkakabunggo ko sa kanya, malamang hindi naman siguro siya matutumba kung hindi diba aysss namilosopo ang isip ko.

"Nakakainis ka... Sinaktan mo ako... Ang sakit kaya ng ginawa mo... Tapos wala lang sa iyo... Wala kang pakialam sa akin.... Ang sama mo... Ang sama...sama mo" sabi nito habang umiiyak kaya nilapitan ko siya.

"S...sorry... Hindi ko naman sinasadya... Hey stop crying..." Pagpapatahan ko sa kanya aishh di ko naman iyon sinadya.

Napatigil ako sa pag iisip ng bigla akong yapusin ng babaeng ito habang humihikbi.

"Ang sakit... Ang sakit... Sobra... Bakit ngayon pa niya ako iniwan kung kailan mahal ko na siya... Kung kailan mahal ko na si Lester" sabi pang muli niya napakunot naman ako ng noo so you mean hindi ako ang dahilan ng pag iyak niya.

I mean yung pagbangga ko sa kanya... Lester sinong Lester siya ba ang dahilan ng pag iyak ng magandang binibining ito, grabe ang sama naman niya.

Hinayaan ko nalang siya na umiyak sa balikat ko hanggang sa tumigil na siya.

"S... Sorry" sabi naman nito sa akin ng nakatungo napangiti nalang ako...

Kinuha ko ang panyo at ipinunas sa mukha niya, nagulat naman siya sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko, inalalayan ko rin siyang tumayo

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon