Chapter 15 "Danger"
Shades POVHindi ko nalang siya pinansin sa halip tumingin nalang ako sa labas ilang oras lang din ay nakarating na kami sa Campus, agad akong bumaba sa kotse, pagtingin ko sa bandang kanan ko ay nakita ko si Aster na tumatakbo palapit sa akin.
"Huu" sabi niya nang makarating siya sa harap ko itinukod ni Aster ang dalawang kamay sa kanyang dalawang tuhod habang hinihingal, taka naman akong tumingin sa kanya.
"Anyare?" Tanong ko
"Pwede ba ilayo nyo ako sa baliw na Josephine nayon" inis na sabi niya habang hinahabol ang hininga, napangiwi naman ako akala mo hinabol ng sampung kabayo ehh, paano ba naman kasi gulo-gulo ang buhok puno ng pawis ang katawan kaya Hindi ko mapigilan na matawa sa itsura niya napanguso naman siya na tila ba nagtatampo...
"Shade" napatingin naman ako sa tumawag sa akin, si Josephine pala kumakaway siya sa akin mula sa gate ng parking lot, nginitian ko din siya at nginitian pabalik, tumakbo naman agad siya papunta sa pwesto ko samantalang si Aster ay parang daga na nagtatago kay Lester na kalalabas lang ng kotse napangiwi naman si Lester dahil sa pagyapos sa kanya ng kaibigan sa likod niya...
"Sweet" sabi ko kaya binatukan ni Lester si Aster dahilan para humaba lalo ang nguso ni Aster habang nakahawak sa batok...
"Wag ka nang magtago Aster nakita na kita kanina pa" sabi ni Josephine pagkalapit sa akin, hinarap ko naman siya at nagbeso kami.
"Tara na hayaan mo silang mag bromance" pagpaparinig ko atsaka umalis kami ni Josephine na natatawa...
Nung nasa loob na kami ng Campus ay napabuntong hininga naman ako takang napatingin sa akin si Josephine, pero nginitian ko lang siya.
"May problema ba?" Nagaalalang tanong niya sa akin napailing naman ako.
"Hindi ko alam... Kinakabahan kasi ako" tanging sagot ko,
Hindi ko naman talaga alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito ang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay may mangyayaring masama... Pero wag naman sana..."Ikaw... Hindi ka ba napapagod kakasuyo kay Aster?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad kaya tumigil din ako at hinintay ang sagot niya...
Umiling naman siya at nginitian ako, isang matamis na ngiti na para bang walang sakit na nararamdaman, akala mo hindi siya nasasaktan.
"Kaibigan mo ako Josephine you can say anything to me para mapagaan ang loob mo" I said to her
"Thanks Bes... Pero yung totoo hindi ako napapagod at kahit kailan hindi ako mapapagod sa pagsuyo ko kay Aster, handa kong habaan ang pasensiya ko para sa kanya ganun ko siya kamahal" she said and smile napailing naman ako...
"Pero kung hihilingin na niya na lumayo na ako sa kanya, gagawin ko, pero hanggat hindi pa niya hinihiling hindi ako titigil na suyuin siya" dugtong pa niya at nagdiretsong maglakad papunta sa building matamang nakatingin lang ako sa likod niya dahil nauuna na siya sa akin habang ako ay nanatiling nakatayo, bigla naman siyang lumigon sa akin.
"Shade tara na male-late ka na" pagpapa-alala niya sa akin kaya tumakbo ako papunta sa tabi niya at nagpatuloy sa paglalakad
"Hayssss bakit kasi nasa third floor ang room mo nakakapagod ehhh" pagrereklamo ni Josephine, lihim naman akong natawa.
"Wag ka nang magreklamo naandito na tayo" sabi ko na medyo natatawa parin.
"Ay... Oo nga noh hahahahhaha" sabi niya na natatawa at nakahawak sa batok niya...
"Bye" sabay na sabi namin sa isat-isa, dahilan para mapahalakhak kami....
"Sige na" sabi ko at itinaboy na siya paalis gusto pa nga sana niyang pumasok kaso pinigilan ko na baka malate na kasi siya...
BINABASA MO ANG
SHADE ; The Prophecy
FanfictionShe only wanted was to live peacefully... and accept by her mother... but how can she get those if she had a power that can take all living in just her touch... for her that power was a curse that will make her life miserable and live like hell... ...