Chapter 16 "His Wrath"

6 0 0
                                    

Chapter 16 "His Wrath"

3rd person's POV

Habang nasa meeting si Lester ay hindi niya maiwasang magalala para kay Shade.

Kamusta na kaya si Shade haysss wrong timing naman kasi ang meeting na ito... Bulong nito sa sarili sabay na mariin na pumikit habang umiiling.

"Mr President are you okay?" Nag aalalang tanong ng secretary sa binata na tila hindi mapakali umiling nalamang siya bilang tugon.

"You may proceed" tanging sinabi ni Lester kaya nagpatuloy na sa pagsasalita ang VP at ineexplain kung ano ang mga plano para sa sport fest next- next month na kasi magsisimula ang sport's fest.

Isang myembro ng SSG officer Si Lester at dahil siya ang may ari ng school ay siya na din ang naging presidente...

Hindi talaga siya mapakali kaya napahawak na lamang ang binata sa sintido habang madiing nakapikit...

"You may dissmised us President... If your not feeling well, we can still continue this meeting tommorow" suhestiyon ng Auditor, magsasalita pa sana siya na ipagpatuloy nalang ulit ang meeting ng may bigla itong narinig na boses.

"Lester tulungan mo ako" boses ni Shade ang narinig niya kaya tila natigilan siya takang tiningnan naman siya ng mga kasamahan niya.

"Shit" tanging naibulalas niya na ikinagulat ng lahat.

"Let's dismissed this... You may go out" maotoridad na sabi ng binata na agad namang tinugunan ng lahat at tahimik na lumabas sa meeting room at ang tanging naiwan  ay si Lester na tila malalim ang iniisip...

"Hindi ako mapapakali nito... Kailangan ko nang makauwi" sambit niya sa sarili kaya agad niyang kinuha ang coat sa kanyang upuan at dalidaling lumabas.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ay biglang nag ring ang kanyang cellphone halos mapatalon naman siya sa tuwa ng makita niya na si Shade pala ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Hello" tugon niya ngunit wala siyang ibang narinig kung hindi ang mabibigat na paghinga mula sa kabilang linya...

Kaya hindi niya maiwasan na lalong mag-alala, napadiin narin ang pagkakahawak niya sa cellphone, lalo pa siyang nag-alala ng marinig niya ang hagul-gol ng dalaga.

"Shade... B.. Bakit ka umiiyak?" Nag aalala niyang tanong... Sumagot ka Shade please pagmamakaawa niya sa isip.

"At sa iyong palagay... MAKAKATAKAS KA SA AKIN" kunot noo ngunit taimtim na nakikinig ang binata sa nangyayari sa kabilang linya...
Boses lalaki na tila galit... Isip niya kaya lalo pa siyang kinabahan...

Hindi Shade...

"Shade nasaan ka... Ano ang nangyayari... Shade... Shade" sunod sunod na tanong ni Lester at punong-puno ng pag-aalala ang mukha.

"AAAAAAAAAAAH" narinig niyang sigaw ng dalaga na namamaos pa... Agad na napatakbo ang binata habang nakadikit parin sa tenga niya ang kanyang telepono.

Alam niya na bumagsak ang cellphone ni Shade dahil sa malakas na *Tad* ang narinig niya ni hindi na nga niya pinansin ang mga nababangga niya mapa-titser o kapwa Estudyante.

Pero wala siyang pakiaalam dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kaligtasan ni Shade... Hindi niya alam ang maari niyang gawin sa iba sa oras na may mangyaring masama sa dalaga...

Nakita pa nga niya si Aster na nagtatakang nakatingin sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin kahit pa paulit-ulit na tinatawag nito ang kanyang pangalan... Napakamot nalang si Aster dahil sa inasal ng kaibigan at dalidaling sinundan si Lester.

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon