Chapter 27"The Truth"

2 0 0
                                    

Chapter 27"The Truth"

"Nasisiraan ka na ba bakit mo yun sinabi?" Sermon ng isang lalaki sa babaeng prenteng nakaupo sa sahig habang nakahalukipkip

"Tsk... Panahon na para malaman niya ang totoo..." Tila walang ganang sagot niya sa lalaking nakapamewang sa harapan niya

"Paano kung may nakarinig... Paano kung"

"Just stop your what ifs... Okay... Aalis naman na kayo at babalik sa lugar natin... Kaya bakit ayaw mo pang sabihin sa kanya ang katotohanan... Tandaan mo walang sikreto ang hindi nabubunyag" sabi pang muli ng babae sabay tayo.... Habang walang ka emo-emosyon na makikita sa kanyang mukha

"Tsk... Ikaw ba nahanap mo na siya?" Pag iiba sa kanilang usapan at seryosong tiningnan ang dalaga na tila natuod sa kinatatayuan

"You have to find him... I know you miss him... At katulad ko ikakasal ka na dapat sa kanya gusto ko bago matapos ang isang linggo na hanap mo na ang prinsipe at bumalik na kayo agad sa ating lugar..." Mahinahong sabi ng binata at malungkot na tiningnan ang babae na tila maiiyak na...

Kung kanina ay walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya pero iba na ngayon kapag tungkol sa kanyang prinsipe ang pinag uusapan... Bumabalik ang sakit ng nakaraan.... Nakaraang dahilan ng pagkawala ng taong minamahal.

"Nahanap ko na siya...." Malungkot na sambit ng dalaga at huminga ng malalim na tila pinipigilan ang sarili na umiyak.

"Saan?" Tila excited na tanong ng binata at matamang hinintay ang sagot ng babae... Matagal nang nawawala ang prinsipe kaya ganun nalang ang kanyang galak na muling makita ang kamahalan... Katulad ng kanyang prinsesa... Pero magkaiba sila ng estado...

His princess is only his side while her prince has no where to find... Pero nahanap na siya kaya masisigurado niya na babalik na sa dati ang ugali ng dalagang nasa harap niya...

"Pero wala siyang maalala... Natatakot ako... Natatakot ako na... Na sabihin niya na hindi na niya ako mahal... Natatakot ako" umiiyak na sambit ng dalaga...

Masakit... Masakit pala na yung minahal mo ay hindi ka na kilala... Hindi na niya maalala ang masasayang pag sasama nila...

"Babalik din ang alaala niya Kim" sabi ng binata sa dalagang kasama niya na ngayon ay puro luha na ang mukha... Mag kaibigan na sila noon pang mga bata sila kaya masakit din sa kanya na nasasaktan ang kanyang kaibigan...

"Para sa iyo madali lang iyong sabihin... Dahil kasama mo lang ang prinsesa ng Lantassia... At pwede mo siyang lapitan... Yakapin ano mang oras... Pero ako... Hindi ko yun magawa dahil masaya siya sa piling ng iba... At ang mas masakit na makitang masaya siya sa babaeng kasama niya... Na dapat ako... Ako yun dapat ehh" hinagpis na sagot ni Kim puno ng sakit at pangungulila ang bawat salitang binitawan niya...

Sino bang hindi masasaktan kung yung lalaking mahal mo ay masaya sa piling ng iba na dati sayo lang... Hindi niya katulad na kasama lamang niya ang babaeng tinatangi niya... Pero siyempre mahirap din iyon... Hindi siya maalala ng prinsesa niya at ang masakit pa doon ay may mahal na siyang iba.

"Naiintindihan kita... Kim... Tutulungan kita na maalala siya..."

"Wag na isang araw nalang at aalis na kayo ang intindihin mo ay ang prinsesa" matamlay na sabi ni Kim at isang tipid na ngiti ang iginawad sa lalaking nasa harap niya... Pag katapos ay agad na itong umalis,

Kring... Kring  tunog ng telepono ng lalaki nagulat man ay agad nalang niyang sinagot ang tawag

"Kuya San ka na ba... Gabing-gabi na" tila nag aalala na tanong ng kanyang kapatid na si Josephine

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon