Chapter 21 "Jealousy"

5 0 0
                                    

  Chapter 21 "Jealousy"

Shade's POV

Sakto na natapos kami sa exam ng dumating si Sir Hanz na tila problemado... Dahil ba ito kay Crystal...

Wag nyong sabihin na... May lihim na pagtingin si Sir kay Crystal... Nanlaki naman ang mata ko sa naisip ko sabay gulat napatakip ako sa bibig ko sabay napasinghap

"No way" mahinang bulong ko

"Any problem?" Takang tanong ng katabi ko ngiwi naman akong napatingin sa kanya

"W.. Wala" sagot ko tumango naman siya bilang tugon kaya nakahinga ako ng maluwag

"Okay class... Pass your papers finish or not" utos ni Sir kaya agad na kaming nagpasa paharap ng exam namin

"Youll see the result next week at our bulletin board..." Matamlay na sabi ni Sir na ikinataka namin

"Sir may problema po ba?" Tanong ng isa sa kaklase ko na akala mo concern na girlfriend...

As if naman nagpapalakas lang yan kay sir ipasabunot ko kaya siya sa girlfriend ni Sir *insert evil laugh*

"Class dismissed" tanging sabi ni sir kaya walang nagawa ito kung hindi ang lumabas papansin kasi...

"Ms Buenaventura stay here.. I just want to talk to you" seryosong sabi ni Sir habang mataman siyang nakatingin sa akin kaya kinabahan naman ako

Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko habang nagbubulungan... O bulungan nga ba

"Lahat na nilandi niya ehhh una si Lucent tapos si Aster at pati yung transferre idadagdag pa niya si Sir Hanz ang landi naman niya" bulong ng isa na rinig ko naman

"Yeah right" pag sang ayon ng isa

"Can you just shut up and get out... Para kayong bubuyog..." Masungit na sabi ni Trixie dahilan para manahimik yung nagbubulungan...
Himala ata hindi ako pinag tripan ni Trixie hmmmm...

Agad naman na silang lumabas pati narin si Nicolai pero bago siya makalayo sa akin ay may sinabi muna siya

"I'll wait you out side" sabi nito at nakangiting lumabas napailing naman ako sa kakulitan niya... Pero halos manlumo naman ako sa biglang lapit sa akin ni Trixie sabay bulong...

"Do you think I already forget what happen the last time I confronted you... Monster" seryosong sabi ni Trixie sabay ngisi

"What the hell are you talking about?" Maang maangan kong tanong habang iniiwasan ang matatalim niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa ko

"I'm Just kidding... Don't worry wala na sa akin yun... Ako naman ang may kasalanan ehhh" nakangiting sabi nito... Yung ngiting hindi plastic ngiting tunay na kaibigan... Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya

"Friends" sabi ni Trixie sabay lahad ng kamay... Nag dalwang isip pa ako kung tatanggapin ko but in the end... Tinanggap ko nalang iyon

"Friends" I said and smile to her sinuklian din naman niya iyon ng isang matamis na ngiti

"Are you done" biglang singit ni sir dahilan parabsabay kaming mapatingin kay sir at napahagikhik...

"Sige na alis na ako see yah" sabi ni Trixie sabay kaway sa akin...

Hanggang sa kami nalang ni Sir ang naiwan... Napalunok muna ako bago tiningnan ang seryosong mukha ni sir nakakakaba kasi first time niya na maging seryoso maliban sa pag bibigay ng exam iba kasi ngayon... Ibang iba talaga

"I just want to know who is Crystal?" Seryosong tanong ni Sir habang mataman nakatingin sa akin

"Siya po yung babae kanina sa labas na may kausap yung tinawag mo pong Sum" sagot ko bigla namang napabuntong hininga si Sir dahilan para mabagabag ako...

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon