Chapter 26.3 "Sport's Fest"

2 0 0
                                    

Chapter 26.3 "Sport's Fest"

"Number 12 spikes the ball to the other team" sigaw ng emcee na nasa stage at may hawak ng microphone...

Matapos kasi ng pay lilinis nila ay nag sipasukan na ang mga estudyante na ang iba ay mula pa sa ibang school para icheer ang player nila

"13/20 makahabol pa kaya ang team nila Josephine?" Muli pang sigaw ng emcee

"Gumanti kayo lady lion" sigaw ng mga estudyante para palakasin ang team na pinamumunuan ni Josephine...

Pagod na sila dahil pangatlong change of court na at parehas na silang may 1 points at isa nalang para sila ang manalo...

Hindi maitatanggi ni Josephine na sobrang galing ng kanilang mga katunggali...

Napatingin siya sa team mate niya na pagod na at tagaktak ang pawis katulad niya pero napansin niya na tila hindi napapagod si Kim dahil seryoso lang ito na nakatingin sa katunggali nila...

"Josephine" pasigaw na tawag ni Jess sa kanya na may pag aalala sa kanya pero bago siya makaharap sa kalaban ay saktong tumama ang bola sa kanyang ulo...

Kaya lahat ng mga estudyante na mula sa kanilang school ay na patayo at puno ng pag-aalala kasabay noon ang mga bulungan at sigawan

"Madaya yun"

"Nananadya na kayo ahhh" ilan lamang yan sa reklamo nila dahil tila sinadya iyon ng kabilang team pero hindi ito pinansin ng referee

"Phine" sigaw ng kanyang team dahil bigla siyang natumba sa sahig habang sapo sapo ang ulo na natamaan....

Masakit iyon dahil sa lakas ng impact at nahihilo siya... Hindi ako susuko bulong niya sa sarili pero alam niya sa sarili na hindi niya kakayanin dahil hilong hilo na siya pakiramdam niya ay bato at hindi bola ang tumama sa ulo niya

"Phine ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Andeng at dinaluhan siya samantalang ang ibang team mate niya ay masama ang tingin sa kanilang mga katunggali na nakangisi...

At lalo pa nila iyong ikina-inis... Ramdam nilang lahat na nang dadaya na sila pero hindi iyon nakikita ng kanilang referee...

Kung bakit kasi sa court lang ang may rule... Di bale sa basketball makikita talaga ang pang dadaya pero dito sa volleyball malabong mangyari na mapansin pa iyon...

"Damn them sa oras na matapos ang laro sisiguraduhin ko na hindi na sila makakatayo pa" may diing bulong ni Ran sa sarili

"Tumayo ka Josephine" mahinang sabi ni Aster na may halong pag aalala

"Lapitan mo hindi yang ganyan..." Bulong ng babaeng katabi niya

"Hindi ko kaya" sabi pa niya at umiwas na ng tingin kay Josephine na ngayon ay inaalalayan na ni Andeng

"Tsk.... Kung bakit kasi pinalayo mo sa iyo... Alam ko na mahal mo siya... Bakit hindi mo nalang aminin... Parehas ninyo lang sinasaktang ang mga sarili niyo" inis na sambit muli ng babaeng katabi niya

"Hindi mo kasi naiintindihan Trixie" inis na sagot ni Aster...

Tama si Trixie ang katabi niya na tila kinikonsensiya siya...

Alam kasi ng dalaga ang lihim na damdamin ng binata kay Josephine nung oras na malaman niya iyon ay natuwa pa siya at siya pa mismo ang nagtulak sa binata na makipag lapit kaso ang binata lang talaga ang may ayaw

"Paano ko maiintindihan kung hindi mo ipapaintindi" nakasimangot niyang sabi sa binata tapos ay nilapit pa niya ang mukha niya sa binata at sinamaan ng tingin

SHADE ; The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon