"Kapitan kaunti lang ang mga taong tribo na nakita ko " sambit ni Selso sa kanyang nakatataas. Si Selso ay isang pinuno ng sampung katao na sundalo. Matangkad siya at maaliwalas ang kanyang mukha. Maputi ito at matangos ang ilong. Dati siyang mangangaso kaya magaling siyang maghanap nang mga marka.
" May armas ba silang dala?" malamig na tinig ang lumabas sa kanilang kapitan.
" Sa tingin ko-" ang sambit ni Selso. "Mangangaso ang mga ito, dahil may dala silang sibat , karamihan sa kanila mga bata. "Matalas ang mata ni Selso kaya sigurado siya sa kanyang mga nakita.
"Kaya na natin silang hulihin" ang sambit ni Rosh. Hinuhuli nang mga sundalo ang mga taong tribo para gawing alipin. Utos ito nang Emperor.
" Mag-hintay lang kayo" ang sambit ng kapitan. "Wala pa ang signal nang ating komander." tama ang hinala ni Bonton na babae ang kanilang kapitan, nahalata niya ito sa boses at kilos ng dalaga." Ilan lahat ang aking sundalo?" ang tanong nito kay Bonton.
"Isang daan lahat kapitan" ang sambit ni Bonton at nagulat siya nang tinangal ng kapitan ang helmet nito. "Ang ganda" ang bulong nito sa sarili.
Inabot na sila nang umaga ngunit wala pa rin ang signal na hinihintay nila sa komander.
"Kapitan bumalik na ang mga taong tribo na may dalang baboy ramo." ang sambit ni Selso na nagmamadali. Inumaga na sila sa paghihintay ngunit wala pa hanggang ngayun ang signal nang kanilang nakakataas.
"Wala pa rin ang signal?" ang tanong nang kapitan.
"Wala pa rin kapitan" ang sagot ni Bonton.
"Mag-handa na kayo, susundan natin sila."ang mahinahong sambit nang kapitan. Sa tagal nang paghihintay na buo narin ang kanyang pasya.
Sinundan nila ang mga taong tribo. Ang nangunguna ay si Selso dahil magaling itong maghanap nang mga bakas. Sa kanilang pag-sunod ay bigla silang may nakitang usok sa hindi kalayuan at tumakbo ang isa sa mga taong tribo.
"Harangan nyo sila" ang mahinahong sambit nang kapitan. Pinalibutan nila ang mga taong tribo. Gusto sanang lumaban nang isa sa mga ito na may puting buhok, ngunit napakarami nang mga sundalo at mga bata pa ang kanyang mga kasama. Kaya binitawan niya ang kanyang sibat nang dahan-dahan.
Mahigpit ang pagkahawak ni Rosh sa isang batang tribo, kaya kinagat siya nito at tumakbo dahil sa takot. Mabilis naman niyang hinabol ito.
Tumingin ang kapitan kay Bonton " Bantayan niyo ang mga taong tribo"
"Opo, Kapitan" ang ilang na sagot ni Bonton.
"Ang iba sumunod sa akin!" ang sigaw nang kapitan. Alam niyang mapanganib mag isa sa gubat kaya sinundan niya si Rosh.
Gigil na gigil ang mukha ni Rosh at mahigpit ang hawak niya sa kanyang espada. Habang tumatakbo sila ay lumalakas ang masagwang amoy at init nang lugar. Lumusot sa butas ang bata sa magkadikit na puno. Ngunit hindi pa rin siya nakakalayo, dahil maliit lang ang katawan ni Rosh at nakalusot rin ito sa butas. Na pansin nila ang mga patay na taong tribo na wari'y may karahasang naganap at sa huli nito natigilan sila.
"Mga demonyo?" ang pagkagulat ni Rosh sa nakita. Napansin niya rin ang isang taong tribo na nakikipaglaban sa mga Mo'ug. Ang Mo'ug ay isa sa pinaka mababang uri nang mga demonyo. Natuon sa kanya ang pansin nang dalawang Oger na may buhat na trono. Binitawan nila ito at nilusob si Rosh.
Naka-iwas si Rosh sa unang suntok nang Oger ngunit hindi sa pangalawa. Tumilapon siya na parang laruan at tumama sa malaking puno. Nag suka siya nang dugo. Lumapit ang isa pang Oger na may dalang malaking kahoy at hahatawin siya nang inligtas siya ni Selso. Kung hindi siguradong durog na ang katawan niya.
"Maghanda kayo!" ang sigaw nang kakarating na Kapitan. Kasama niya ang mga sundalong nakapwesto at sinenyasan niya ang mga ito. Tumakbo ito sa mga Oger na nakaangat ang mga sandata nilang sibat namay matulis na bakal sa dulo at hawak hawak ang pananggalang parisukat. Meron rin silang helmet na bakal at kalasag. Tinusok nila ang hita nang Oger at itoy napahiga at pinuntirya ang ulo.
Napansin ni Bonton ang isang taong tribo na nakikipaglaban sa mga Mo'ug. Namangha siya sa pakikipaglaban nang lalaki na may itim na buhok at parang bagong gising.
"Isang mababang nilalang ang may gawa nito sa akin" ang malumanay na sambit ni Acedia sa kanyang sarili habang hawak ang kanyang duguang dibdib. Unti-unti siyang lumapit sa taong tribo. "Umalis kayo sa dinadaanan ko!" ang sambit niya sa mga Mo'ug.
Nagtataka si Huelwen sa Asura at hinayaan nya lang itong lumapit sa kanya dahil alam niyang hindi na ito makakalaban.
"Isa kang mayabang na nialang" ang sambit ni Acedia sa taong tribo. Hinawakan nya ang ulo nito at tinitigan. Para bang isang itim na mahika ang pumaroon sa katawan nang binatilyo at sabay bumagsak ang kanilang katawan.
Tinalo nang mga sundalo ang mga Mo'ug at Oger. Kinuha nila ang mga taong tribo para gawing alipin o kaya'y ibenta sa mga mangangalakal.
BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...