Thief

30 1 0
                                    

        Nag-lalakad sa bayan si Lars na problemado. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa kumukulong sikmura. Lalo niyang hinigpitan ang tali na nakapulupot sa kanyang tiyan. Napansin niya ang isang matandang babae na mahilig bumili nang magarbong damit, wala siyang pag-pipilian kung hindi bumalik sa dating gawi.

        Si Emelda ay isang mayamang matandang babae na mahilig bumili nang mamahalin damit sa kanyang suking tindero sa bayan. Gusto niya ang mga damit dahil dito lang siya nag-mumukhang maganda. Lagi siyang naka-ngiti tuwing mag-babayad ngunit hindi sa ngayon.

        "Magnanakaw! Letse! Hulihin niyo ang magnanakaw!" Ang paulit-ulit na sigaw nang matanda, sumimangot ang mukha nito na hindi pa nakikita nang taong-bayan at aksidenteng nalaglag ang pekeng buhok nito.

        Kumaripas nang takbo ang binata, hindi niya maiwasang maka-bunggo at maka-perwisyo. Dahil doon hindi lang ang mga tanod ang humabol sa kanya pati na rin ang mga na perwisyo niya.

        Lalong nagka-gulo sa bayan at ang lahat lahat ay inagaw niya ang pansin. Mahigpit ang hawak niya sa supot nang pilak. Napansin niyang papalapit na ang mga huma-habol, kaya pinilit niya ang kanyang mga paa na lalo pang bilisan ang pag-takbo. Hindi na siya tumitingin sa likod. Diretso lang ang tingin. Hanggang nakarating siya sa kanyang paboritong daanan, naligaw niya ang mga huma-habol habang ang iba ay hindi na kayang tumakbo.

        Hingal, hawak sa dibdib, nag-hahabol nang hininga. Huminto siya nang walang humahabol nang may tumambang sa kanyang likod. Tatlong lalaki, namumukhaan niya ang mga ito.

        'Anong kailangan niyo?" Ang tanong nang magnanakaw. Hinawakan siya nang mga ito. Gusto man niyang pumiglas hindi niya magawa dahil sa mahigpit na pag-kakahawak sa kanya.

        "Tulad nang dati." Sambit ni Ban. "Ibibigay mo sa amin ang iyong ninakaw at aalis na para bang walang nang-yari o kung ayaw mo naman ibibigay ka namin sa mga tanod? Siguradong hindi ka nila bubuhayin sapagkat maldita si Emelda!" Nakangiti na si Gon dahil alam niyang ibibigay sa kanya ang gusto niya.

        Walang magawa ang kawatan kung di pumayag, dahil alam niyang hindi nag-bibiro ang tatlo. "Pwede bang hatiaan niyo na lang ako nang parte?" Ang paki-usap ni Lars.

        "O sige ba! Tara sumama ka."  Ang sagot ni ni Ban at binulungan ang mga kasama, kinuha niya ang supot na nag-lalaman ng mga pilak. Hinampas siya ni Gon ng batuta.

        "Anong gagawin natin dito? Bakit mo pa pina-tulog?" Ang tanong ni Kasio sa mga kasama.

        "Isasama natin siya sa Galearon." Sambit ni Ban. "Gagawin natin siyang isang magaling na mag-nanakaw!"

        "Kay Tasio? Ang ating pinuno." Ang tanong ni Gon.

        "Sa aking kapatid?" Ang tanong ni Kasio. Sa bagay, matagal ko nang hindi nakikita iyon."

        "Paano yan? Sino mag-bubuhat dito?" Ang tanong ni Gon.

        " Salit-salitan, dahil malayo ang lalakbayin natin, pero ikaw ang unang mag-bubuhat diyan. Dahil ikaw ang nag-patulog!"

Iyak ng DigmaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon