Umalis ng masaya ang Emperor sa Alkazam. Nagtungo na siya sa kanyang kaibigang ork na kanyang kababata. Sa nakalimutang lungsod. Dati itong magandang lungsod na ngayo'y pinabayaan nalang. Wala ng nakatira dito kahit isa. Ito ang kapital ni haring Simon the Great.
"Ang dakilang lungsod" ang sambit ni Valician "Ngunit ito'y pinabayaang husto at wala ng nakatira"
Sa trono nito ay naghihintay si Garod kasama ang kanyang kaibigang Chieftain na si Saprak at ang magagaling na tauhan nito.
"Aking kaibigan" ang sambit ni Garod kay Valician.
"Matagal na rin tayong hindi nagkita" ang sambit ni Valician. "Gusto mo bang manuod ng Arena kasama ako?"
"Sana walang Ork sa Arena niyo, aking kaibigan" ang sagot ni Garod.
"Sempre wala" ang sambit ni Valician "Mga kaibigan ko ang mga Ork, Garod" Nagbanggaan ang kanilang kamao "Walang iwanan aking kaibigan." tumango naman si Garod "Ano ang kailangan mo? may problema ba?"
"Malaking problema. Ang mga Daemon ay parating na. May nagbukas ng kanilang kulungan ang Hades" ang sambit ni Garod.
"Paano nila na buksan iyun? at saka-"
"Mabubuksan ang Hades sa pamamagitan ng matandang kasulatan. Tinatawag itong Orasyon. Isang libro na tinatawag na Blanko. Isang naghahari si Drakiz mula sila sa tinatawag na Celestial na bumagsak sa lupa na naging Daemon dahil sa kasalanan. Nilabanan sila ng matandang diyos at natalo ang mga ito. Ngunit na lungkot ang Diyos at natulog ng mahimbing walang nakakaalam kung kailan gigising ang Diyos. Nag-iwan siya ng pinuno na si Paladin nilabanan niya ang mga Daemon, nag sakripisyo siya para makulong sa ibang mundo ang mga ito. Naiwan sa mga unang tao ang libro. Ngayun hindi alam kung saan ito napunta" ang mahabang sabat ni Minor sa pag-uusap ng dalawang magkaibigan
"Gusto ko sanang humingi sa iyo ng tulong. Bigyan mo kami ng lupain para sa aming tirahan" ang sambit ni Garod "At makakaasa kayo na hindi kami gagawa ng masama laban sa inyo"
"Ngunit magagalit ang aking mga tao dahil galit sila sa ibang nilalang" ang sambit ni Valician.
"Maaari, kung didipensahan nila ang ating mga kaharian at dadagdag sila sa ating hukbo, kailangan rin nilang magbigay ng buwis para sa atin" ang sambit ni Minor.
"Papayag ba kayo doon?" ang tanong ni valician sa kanyang matalik na kaibigan.
Nagbulungan si Garod at ang kanyang kaibigan na si Saprak. Wala silang nagawa kundi pumayag. Alam nila paghindi sila pumayag hindi sila bibigyan ng lupaing titirhan.
Tinulungan ni Valician makatawid sa ilog ang mga Ork at pinatirha sa Delas. Masaya silang tinanggap ng mga tao sa kasinungalingan. Kinasusuklaman sila, kinuha ang kanilang armas. Ngunit si Erik the Warden ay pumayag na dalhin ang kanilang mga armas kung magbibigay sila na sapat na ginto. Pagkatapos silang makatawid ay nagtungo na si Valician sa Sikotar para magpahinga.

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...