Sa isang silid nang binibigyan nang liwanag ng sisidlan ay may mga bumabalot na pang-yayari na di maka-kalimutan ng mga naging taga pag-bantay. Isa na dito si Pilato ang matandang tiga-bantay ng selda ng mga gladiator.
"Bakit ka na-punta dito kaibigan?" ang tanong ni Pilato sa naka-upung tao na may sariwa pang mga sugat. Nakahiligan na niyang kausapin at makipag-kwentuhan sa mga gladiator dahil alam niyang hindi masama ang mga ito.
Nakatingin lang sa sahig ang lalaki na wari bang malalim ang iniisip. Sanay na si Pilato sa mga ganitong pang-yayari, kaya nag-isip siya nang magandang kwento para pumukaw ang pansin sa kanya nito.
"Si Golvar ang pinuno ng mga taong tribo." sambit ni Pilato. Nalipat sa kanya ang tingin nang taong tribo, dahil gusto nito malaman ang kwento nang kanyang kauri. "Natalo ni Abbendis ang dating emperor ng mga tao, dinala niya ang pinuno ng mga taong tribo dito sa Arena para gawing isang gladiator.
"Nasaan na siya ngayon?" ang tanong nang taong tribo.
"Anong pangalan mo iho?"
"Huelwen."
"Ala mo ba Huelwen, walang nakatalo sa kanya dito sa Arena at siya ay pinalaya."
"Paano siya pinalaya?"
"Kailangan niyang pumatay ng isang-daan na gladiator at nagawa niya ito."
Napa-buntong hininga si Huelwen at bumalik siya sa pagiging tulala.
"Bakit ka napadpad dito?" ang tanong ni Pilato na gusto malaman ang kwento ng binata.
"Mahabang kwento."
"Eh di simulan mo na ngayon iho."
Ang kanilang pag-uusap ay nabulabog nang may dumating pang isang gwardiya na sumenyas kay Pilato.
Tumayo si Huelwen at tumango, hudyat na ito nang bagong pakikipag-laban. Sa kanilang pag-lalakad, ay unti-unting na-sisilayan ng gladiator ang liwanag sa loob nang arena. Nakita niya ang mga patay na naka-kalat at ang iba ay hinihila paalis nang Arena. Ang magandang buhangin ay napa-palitan ng dugo na galing sa mga taong buhay at puno ng mga sugat.
Tumango siya kay Pilato at binigay sa kanya ang matulis at matalim na gladius, kasama ang matibay na panangang hugis parisukat ngunit tinangihan ito ni Huelwen at kinuha lang ang gladius.
Ang kanyang katapat ay isang magaling na mandirigma na kumpleto sa kagamitan. Meron siyang helmet na nata-takpan ang buong ulo nito ngunit maayos na naki-kita ang paligid. Meron rin siyang matibay na kalasag sa katawan, balikat, kamay at paa. Ang kanyang sandata ay isang schimitar na hugis buwan ang itsura.
Wala nang paligoy-ligoy at sinimulan na ang palaro ngunit ang dalawa ay naki-kiramdam. Naki-kiramdam sa paligid kung sino ang mauuna, parang dalawang leon na naka-porma. Habang pinag-papawisan ang kalaban dahil sa kanyang suot na mainit na balote, tumagos ang kanyang pawis sa patilya. Nalaglag ito sa sahig at matinding tumama sa buhangin kasabay nito ang pag-atake ni Huelwen. Malakas na pwersa ang nangaling kay huelwen at nahati ang ulo nang isang manlalaro, na-gulat ang mga manonood sa bilis nang laban. Gumulong gulong ang ulo nito na parang bola at hinawakan ang buhok upang iangat at ipakita ang ulo sa mga manonood.
Kasindak sindak na mga sandali ang napanood ng mga tao, ilang sandali ay nabuhayan ang mga ito at nag-hiyawan dahil sa ipinamalas na galing ni Huelwen.

BINABASA MO ANG
Iyak ng Digmaan
FantasyMapayapang namumuhay ang mga ork at ang mga tao, ngunit magagambala sila sa pag dating nang hukbo nang mga demonyo, Magtutulungan ba silang talunin ang mga Asura? o sila rin ang magpapatayan. Maghanda kayo parating na ang iyak nang digmaan. Sino ang...